AN: Congrats kay Moe!!! Gold na ang album ng koya niyo!
"Hi Julie!"
Halos mapatalon sa kanyang pwesto si Julie Anne nang marinig ang tumawag sa kanya. Paano ay busy siya sa pagtetext kay Elmo kaya hindi niya narinig na may tumatawag pala sa kanya.
Napaikot siya at nakitang papalapit sa kanya si Chez at si Jen.
Nakaikot pa ang braso ng dalawa sa isa't isa habang papalapit sa kanya.
"Hey guys." Ngiti naman ni Julie at hinawakan ang kanyang telepono sa isang kamay.
"Laki ng ngiti mo ngayon ah." Sabi pa ni Chez na nakabungisngis ngayon sa kanya.
Julie chuckled and shook her head. "Ganito naman talaga ako lagi ngumiti ah."
"Hindi ah. Mas malaki ngayon. Saka parang blooming ka. Buntis ka?" Sunod sunod na sabi ni Jen.
Julie's eyes blinked a few times as she also looked at the other people who were apparently listening to the conversation.
Tila hinihintay ng mga ito ang isasagot niya sa tinuran ni Jen.
"N-No I'm not pregnant." Mabilis niyang sagot.
"Sayang..." Sabi pa ni Chez.
Pati si Jen ay bahagyang napasimangot at mahinang natawa. "Akala ko pa naman...parang glowing ka kasi talaga e diba ganun daw kapag buntis?"
"Or natural lang talaga siyang ganyan kasi maganda." Ani pa Chez.
Sakto ay dumating na ang elevator at sabay sabay silang pumasok sa loob.
"Ang cute siguro nung anak niyo ni sir Elmo." Ani Jen habang papasok sila sa loob. Sa pinakalikod sila pumwesto dahil sigurado na sa pinakamataas silang floor din naman lalabas. "Kasi gwapo siya. Maganda ka. Parang magkamuhka na nga kayong dalawa eh."
Halatang nakikinig din ang iba pang tao sa loob ng mismong elevator pero kalmado lang naman si Julie Anne.
"Uhm, well we won't know because I'm not pregnant..." Mahinang tawa na lamang niya.
"Madali lang yon besh!" Tawa ni Jen at sumabay na din si Chez.
Nagpaalam na ang mga ito sa kanya nang makadating na sa kanilang mga opisina.
Napailing si Julie Anne at pumasok na sa kanyang opisina. Linagay niya ang kanyang bag sa sofa ng kanyang opisna at umupo sa likod ng kanyang desk.
She sighed and skimmed through her work.
Sa makalawa ay dederetso na sila sa pinaka resort ni Mr. Lim para mag occular.
Pero hanggang ngayon ay iniisip pa niya ang ibang accounts na nawawala sa nagkukulang at may discrepancy sa kanilang income.
She was busy going through work the whole morning that she didn't realize that it was already noon. Biglang tumunog ang tiyan niya at doon lang niya napagtanto na nagugutom na rin pala siya.
Kakatayo pa lamang niya mula sa upuan nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina.
Nagulat siya nang makita si Elmo na malaki ang ngiting pumasok sa loob.
"Hey Tags." Ani lalaki na nakangiti. He walked over to her, caressing her face in one hand before softly planting a kiss on her lips.
"Sarap non ah." Tawa ni Julie. "Good mood ka ata?"
"Ako? Makita ko lang muhka mo good mood na ako." Ani Elmo. "Lunch na...and knowing you, alam ko hindi ka pa kumakain."
"You know me so well..." Pangaasar pa ni Julie.
Elmo smirked back in answer and took a hold of her hand. "Yes. And it's my duty to feed you. Tara kain tayo sa labas."
Mabilis na kinuha ni Julie ang bag at inalalayan siya ni Elmo palabas. His hands was in the small of her back but he then circled his arm around her shoulders until they got down to the lobby of the building.
Hindi lingid sa kaalaman ni Julie na pinagtitingnan sila ng mga empleyado doon. Ang iba ay nakangiti ang iba naman ay parang nakasimangot na hindi niya malaman. Bakit, ano ba masama sa kanilang dalawa ni Elmo? Wala naman ah.
Kakasakay pa lamang nila sa sasakyan nang marinig nila ang pagtugtog ng telepono ni Elmo.
"What now..." Inis na sabi ng lalaki at inilabas ang kanyang telepono. Nakasimangot pa rin nitong sinagot ang tawag habang binubuksan ang makina ng kotse at inaayos ang seatbelt ni Julie. "Yeah? What? Now? E bakit hindi niyo pa pinatingin sa akin yan? Tsk. Osige sige pabalik na ako." Inis na binaba ni Elmo ang tawag bago balingan ng tingin si Julie. "Tags, so sorry I have to go back muna saglit sa Chavez... saglit lang talaga."
"Sure, all good, do your thing." Ani Julie. Okay lang naman talaga sa kanya.
But Elmo still looked sorry. So she smiled and gripped his hand before kissing his cheek. "Okay nga lang...ano ba."
Elmo's sorry face immediately changed. He lit up. Na para bang na-energize at kagigising lamang. He couldn't help but smile back.
"So, kiss ko lang pala magpapa-smile sayo?" Pangaasar pa ni Julie. Tanggap niya sa sarili niya na isa siyang bully. Lalo na pagdating kay Elmo.
"Smile mo lang okay na." Elmo said again before starting the car. This was bliss. Ngayon lang naramdaman ni Julie ang ganitong uri ng kasiyahan.
Marahil ay dahil ngayon wala na siya pangangamba pa na nararamdaman. Or rather she was feeling secure with Elmo. Sa lahat ng pangangamba niya dati...
Nakarating din sila kaagad sa Chavez at muli ay inalalayan siya papasok ni Elmo sa office building.
Usually people would just walk by and stuff but now was looking at the two of them.
Nagtatakang napalingon si Julie lalo na nang makita na nakaismid sa kanya ang dalawang employee. She kept walking but saw that the two female workers were still glaring and snootily looking at her. What'd she do?
Napatingin siya kay Elmo para tingnan kung napapansin ba ito ng lalaki pero nakita niyang derederetso lang ito maglakad. So she merely didn't react to what the hell was happening.
Sumakay sila sa elevator at dumeretso sa top floor kung nasaan ang opisina ni Elmo.
Hayan nanaman ang haliparot na secretary ni Elmo na pa-cute ng pa-cute sa lalaki. Mabuti na lamang at nakakapagpigil pa si Julie dahil baka masapak niya ito.
"Tags, dito ka lang saglit lang ako sa loob." Ani Elmo at pinaupo sa labas si Julie Anne.
The latter situated herself by the small waiting couch adjacent from Ana's desk.
Nginitian pa ni Ana si Elmo pero hindi na ito pinansin pa ng lalaki at derederetsong pumasok sa loob ng opisina.
Julie smirked to herself and slightly shook her head. Inilabas na lang niya ang telepono at tumingin ng mga email nang makaramdam siya ng bigat ng isang tingin.
Inangat niya ang kanyang ulo at nakitang nakatingin sa kanya si Ana. Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa siya itinakbo sa ospital.
Pero siyempre ay hindi siya magpapatalo.
"What is it Ana?" She tried to make her voice sweet.
"Nothing..." Ani Ana pero matapang pa rin na binalik ang tingin sa kanya. "Iniisip ko lang kasi...harang na nga dati si Ma'am Ehra tapos ngayon ikaw...pero kasi kung matatalo man ako sa paraang maikama ako ni sir Elmo e payag ako kay Ma'am Ehra na lang, di hamak na mas maganda naman iyon sayo. Saka mas bagay sila ni sir Elmo."
Nagpintig ang tainga ni Julie sa sinabi ng babae.
Pero natuto na siya hindi magpaapekto sa bagay bagay. Marahil ay ganun ang usapan sa buong Chavez. Kita naman kasi sa mga tingin ng ibang empleyado sa kanya kanina.
"Well...marahil mas maganda nga sa akin si Ehra..." She started before smiling at Ana's way. "Pero...ako ang mahal ni Elmo."
Nawala ang kanina na nangiinis na ngiti ni Ana at napalitan ito ng isang asar na tingin.
Julie smiled in triumph. Natatawang napailing na lang siya. Well, she was succesful in making her shut up.
Binalik niya ang tingin sa kanyang telepono at sakto naman ay nakabalik na si Elmo mula sa kanyang opisina.
Humahangos itong lumabas ng opisina.
"Let's go Tags. I finished everything." Muhkang tuwang tuwa talaga ito na natapos na sa mga gawain.
Hinawakan nito sa kamay si Julie at hinila siya patayo. "Let's go?" Tila excited na sabi nito sa kanya.
She nodded her head. Pasimple pa siya napatingin kay Ana na umismid bago inikot ang mga mata at binalik ang atensyon sa mga gawain.
Elmo clasped Julie's hands tight in his before walking back to the elevator.
Hayan nanaman at marami nanaman ang nakatingin sa kanya. She told herself that she wouldn't let it get to her but she could only hold off for some time.
Nasa loob sila ng elevator nang makarinig ng tsismisan muli.
"Bagay sana sila no? Kaso kasi mas cute tingnan si sir Elmo saka si Ma'am Ehra. Mas dream couple yung dalawang yun eh."
"Oo kasi parang mas regal tingnan si Ma'am Ehra. Mas muhkang mabait. Ito kasi si Ma'am Julie muhkang mataray eh."
"Wala...baka mahal lang talaga ni sir Elmo. Mas hot. Baka mas magaling sa kama..."
"Nandito ba kayo para magtsismisan o magtrabaho?"
Natigilan ang dalawang babaeng kanina pa nagdadaldalan.
Halos manlisik na ang mga mata ni Elmo habang nakatingin sa kanila.
Nanginig ang dalawang babae sa pwesto nila at sakto naman ay bumukas na ang pinto ng elevator.
Pinakalma ni Julie si Elmo at hinawakan ang braso nito. "Tags it's okay. Tara na." She said. Hindi siya nagangat ng tingin at nagsimula na maglakad palabas habang hila hila ang lalaki.
Walang ekspresyon sa muhka niya. Maging si Elmo ay hindi umiimik pero kita pa rin ang galit dito.
He opened his car door and waited for Julie to get inside before settling himself in the driver's seat and breathing in hard.
"Tags...hey." Julie said and smiled at Elmo. She caressed his hand and gave it a good grip. "Ano tara na? Kain na tayo."
Again, Elmo breathed in before starting the car.
Ramdam ni Julie na medyo tense pa din ang lalaki pero humihina ang pagkatense nito sa paghawak niya.
Tahimik lamang na nagmaneho ang lalaki hanggang sa makaabot sila sa isang malapit na mall kung saan maraming kainan.
"Saan mo gusto kumain?" Lambing ni Julie sa lalaki. Tahimik pa rin kasi ito.
BUt he gave her a small smile when she asked that question. "Ikaw ba?"
"Gusto mo mag-Crisostomo's?" Julie suggested. She wanted a big Filipino lunch. Ilang taon din kasi siya namalagi sa ibang bansa.
And still Elmo smiled back in answer. He leaned in to kiss her cheek. "You always know what I like Tags."
They got seated and ordered their food. Medyo kaunti manag ang tao sa loob kaya hindi masyado suffocated ang pakiramdam nila.
Napansin ni Julie Anne na medyo tahimik pa din si Elmo. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang iniisip nito. She grasped his hand in hers and smiled up at him. "Hey, okay ka lang?"
Dito na napabutnong hininga si Elmo at naisuklay ang kamay sa buhok. "I'm sorry Tags. I never wanted you to experience that. Pagsasabihan ko yung dalawang empleyado na iyon. I will fire them first thing in the morning."
"No Tags. You don't have to do that." Mabilis na sabi ni Julie. Inisip muna niya kung tuloy ba ang kanyang sasabihin bago napiling ilabas na lamang ang saloobin. "A-alam ko naman Tags na, hindi ako kasing ganda ni Ehra...pero panghahawakan ko naman na...ako naman ang mahal mo diba?" She never sounded this pathetic pero pagdating kay Elmo ay naninigurado lang siya kaysa masaktan ulit.
Napasinghap si Elmo at lumapit pa sa pwesto ni Julie at yinakap ang babae. Julie hugged him back. Mabuti na lamang at nasa tagong parte naman sila ng restaurant. She snuggled closer to him and hugged back before talking yet again. "Kasi, naniniwala naman na ako sayo Tags...na mahal mo ako. Ayun lang, sana hindi ka magpadala sa ibang tao. Baka masyado mabenta na mas maganda nga sa akin si Ehra tapos iwan mo ako." She laughed slightly at that and looked once again at Elmo. "Pero, saktan mo ulit ako Magalona, ayaw ko na. Bahala ka na dyan."
"No Tags. Hindi kita sasaktan ulit." Ani Elmo na parang takot na takot na iiwan na nga siya ni Julie. Mas humigpit pa tuloy ang yakap nito sa babae.
"T-Tags hindi ako makahinga." Natatawa na sabi ni Julie Anne.
"Basta hindi kita iiwan." Sabi ni Elmo habang linuluwagan ang pagyakap kay Julie. "You're it for me. You're perfect for me."
"Talaga lang ah?" Tawa pa ni Julie at lumapit para halikan ang leeg ni Elmo.
The latter snuggled back and kissed the side of Julie's face. "Talagang talaga."
Matapos kumain ay napagpasyihan nilang magikot ikot muna bago bumalik ng trabaho. They still had time to spare at sa totoo lang, wala rin naman magbabantay ng oras nila dahil sila ang mga may-ari ng kompanya. But that didn't mean they would be using their power to such an extent.
"Tags, wait lang..." Ani Julie at pumasok sa isang department store. May bibilhin kasi siyang necessities para sa condo. Doon na ulit siya natutulog oo. Siyempre ay hindi na siya mananatili sa isang hotel. Papabebe pa ba siya?
Nakasunod sa kanya si Elmo nang makapasok siya at dumeretso naman siya sa Women's care aisle.
Pumipili siya ng facial wash at kung ano ano pa nang mapadako ang tingin niya sa makukulay na kahon sa isang gilid. Bahagya siyang natigilan at pasimpleng nag-iwas ng tingin.
"Don't think about it Tags." Muntik na siya mapatalon nang makita na nasa tabi na pala niya si Elmo. Akala niya kasi ay nag-ikot pa ito sa ibang lugar ng department store.
"B-bakit? Wala naman ako ginagawa ah." Ani Julie.
"You're looking at the box of condoms. I told you I don't like using those."
Mabilis na napalingon si Julie sa paligid. Mabuti na lamang at walang nakarinig kay Elmo. Ito naman kasing lalaki na ito! Kung ano ano sinasabi!
"Hindi ako pwedeng mabuntis Tags..." Ani Julie. "Mabuti na lang talaga safe ako non."
"I want babies of our own you know." Himutok pa ni Elmo habang inaakbayan si Julie Anne.He kissed the side of her head just as they went back to the cashier to buy Julie's necessities.
"Someday Tags." Ngiti ni Julie. Si Elmo lang naman talaga ang naiisip niya na magiging ama ng mga anak niya.
Hinatid na siya pabalik ni Elmo sa San Jose Holdings. He promised they'd have dinner later so that was exciting for her.
Kakalabas pa lamang niya ng elevator papunta sa kanyang opisina nang lumapit sa kanya si Penny. Ito na naging assistant niya matapos niyang pumasok lamang ng ilang linggo sa SJH.
"Ma'am may tumawag po kanina dito, nagiwan ng mensahe."
"Oh thank you." Ani Julie. She wasn't waiting for any calls so this was a surprise. Tinanggap niya ang puting papel na binigay sa kanya ni Penny bago naglakad papasok sa sariling opisina.
She turned the paper over and had to stop when she saw what was written there.
"Hey Julie, I just wanted to know if I could talk to you over dinner? I left my number here, I just really need to talk to you about Elmo..."
At first Julie couldn't process what was happening. Gusto ba niya talaga kausapin si Ehra? And about Elmo? Handa ba siya? It took a few more minutes but she decided for the best.
Una ay tinext muna niya si Elmo.
To Tags:
Tags, I'm sorry, may meeting daw kami hindi ako makakadinner dyan. I'll see you when I get home.
Wala pa isang minuto ng pagkakasend niya ay may kaagad na nag reply.
From Tags:
Aww, okay. I miss you. Hintayin kita makauwi.
Julie chuckled slightly at that. She decided not to reply back. Baka hindi matapos ang usapan nila.
Next she texted back the other number.
To 091xxxxxxxx:
Hey Ehra, it's Julie. Saan mo gusto mag dinner?
So after a few hours of working and getting her mind off of things, Julie made her way to a small cafe right between the distances of SJH and Chavez.
She's not going to lie. Kinakabahan siya. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang sasabihin sa kanya ni Ehra. And it was about Elmo so mas lalo lamang siyang kinabahan.
Kakapasok pa lamang niya sa cafe nang makita na niya kaagad si Ehra na nakaupo sa isang lamesa. Nakita din siya nito at maliit na kumaway.
Julie tried hiding how she breathed in but walked inside and sat right in front of Ehra.
"Hey."
"Hi Julie." Bati ni Ehra. "Uhm, order na ba tayo?"
Sa totoo lang wala sa mood kumain si Julie. Gusto lang niya matapos ang usapan. But she nodded her head. Natigilan siya kasi naalala niya na gusto ni Elmo ang chowder soup sa cafe na ito.
"UHm, please add chowder to go." She said to the waitress who smiled in answer.
Nakita ni Julie na natigilan si Ehra.
They talked once the waitress walked away.
"Kamsuta ang dad mo?" Julie asked Ehra.
Pagod na napabutnong hininga ang babae. "He's okay. Healing...he just needs to rest."
Julie nodded her head at that. Si Ehra naman ang nagtanong. "Ang SJH ba? Kamusta naman?"
Marami naman ang may alam na hindi maganda ang katayuan ngayon ng SJH. And Julie was still in the middle of investigating. Kahit na mag-isa lang siya sa kanyang pagiimbestiga.
Dumating na ang pagkain nila at dahan dahan lamang silang kumain.
Kalagitnaan ay nagsalita na si Ehra. "Julie hindi na ako magpapatumpik tumpik pa..."
And with that Julie stopped eating as she looked at Ehra. Hinihintay na idn naman niya ito kanina pa eh.
"I want Elmo back..." Ani Ehra.
Hindi nagsalita si Julie at hinayaan lang na patuloy magsalita ang kaharap.
"I gave him up. For this stupid hero hold he has on you and your dad. But he came to me when I needed him, and that just says how much he still cares for me." Huminga ito ng malalim bago muli nagsalita. "And I think more people are on my side. Masaya na sana kami ni Elmo eh. But then you came along...and I'm not going back down without a fight."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
AN:Okay stop muna tayo dyan hahaha! At inis na inis ako kasi ilang araw na delay itong chapter na ito dahil sa trabaho at sa napakagaling namin na internet! Anyways! Thanks for reading! Wag mahiya mag comment! Bumoto din please mas bumibilis talaga update kapag marami boto. XD