CHAPTER 25

2949 Words
She shouldn't be doing this. She shouldn't snooping around at old files when she should be working on research about Mr. Lim's resort. Nakakita nanaman siya ng discrepancy. Parang nasabotahe ang isang project...hindi nadeliver amg tamang materials kaya hindi na-meet ang deadline. She stopped snooping when she heard someone trying to open the door of the file room she was in. Napaikot siya at inakay ang mga files sa kanyang braso. Sakto ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Aaron. Nagtatakang napatingin ito sa kanya. "Julie...what are you doing here?" Muli ay inakay ni Julie Anne ang hawak na files. It was like she was protecting them. Pumasok sa loob ng maliit na kwarto si Aaron at sinara pa ang pinto sa likuran. May bahagyang pagbilis ang t***k ni Julie sa kaba. What the eff... "You shouldn't be snooping around here." Ani Aaron kay Julie Anne. Tinaasan ng kilay ni Julie ang lalaki. "E ikaw bakit ka nandito?" Aaron c****d his head to the side as he looked at her. "May ireretrieve lang akong research files para sa resort ni Mr. Lim." "Oh well then, feel free to look at them right now." Mabilis na sabi ni Julie bago nagmamadaling linagpasan si Aaron at lumabas ng storage room. Liningon pa niya ang lalaki at nakitang nakatingin din muna ito sa kanya. She briskly walked away and shook her head. Ano ba kasi pakielam ni Aaron kung magtititingin siya ng mga files? Muli ay bumalik siya sa kanyang cubicle at tumingin ng mga hawak na papeles. Bakit hindi man lang ito napapansin ng accountant nila? Napa-angat siya ng tingin nang marinig na may kumatok sa kanyang opisina. Bumukas ang pinto at sumilip ang magandang muhka ni Nadine sa kanya. "Hey Julie." "Hi Nadz." Ngiti pabalik ni Julie Anne. Sa maikling panahon na nagsama silang dalawa ay naging kaibigan na din niya talaga si Nadine. Hindi naman kasi mahirap kaibiganin ang babae dahil na din sa taglay nitong kabaitan at ganun din naman si Julie dito. Umupo si Nadine sa tapat niya at saglit na ngumiti. "I take it okay na kayong dalawa ni Elmo?" Tanong pa nito sa kanya. Naguguluhan na tiningnan ni Julie si Nadine. And Nadine explained. "Kasi nakita ko yung picture niyo kasama yung friends niyo. Okay na ata kayo." "Ah." At tila babaeng kinilig si Julie. "Oo okay na kami." "Namula ka ah!" Natatawa na sabi ni Nadine. "Pero wow happy ako para sa inyo. Kapag naririnig ko kasi yung kwento niyong dalawa napapagod ako eh." "I think we both had faults din naman." Ani Julie. Totoo naman kasi. Pareho nga sila ni Elmo na matalino sa academics pero pagdating sa pag-ibig ay aminado siyang tanga sila pareho. Marahil ay hindi pa nila talaga gamay ang kanilang mga emosyon. Pero ngayon ay handa naman siya lumaban eh. "Well anyways." Natatawa pa rin na sabi ni Nadine. "Pumunta ako dito kasi itatanong ko kung kamusta na ang research mo sa resort ni Mr. Lim? Meron na rin kasi naiisip si James na concept and titingnan natin kung compatible sa concept." "Oh uh..." s**t sa totoo lang kasi hindi pa niya nasisimulan ang lahat ng ito. "You want to talk about it over lunch?" Pagiimbita pa ni Nadine. "Alam ko first big project mo ito dito and we know Mr. San Jose knows what he's doing. We've seen some of your designs and they're all so amazing." "That'd be great!" Ani Julie. She sighed with relief. Mabuti na lang si Nadine may tiwala sa kanya. "And thank you for believing in me." "Ikaw pa." Ani Nadine. "At sino sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo lang diba?" Julie nodded her head in thanks. Lumabas na ng kwarto si Nadine. Napaisip si Julie. Mamaya na lang niya gagawin ang pagiimbestiga. If ever hihingi na lamang siya ng tulong. Bukod kasi sa pagiimbestiga ay kailangan din nila naman talaga maisagawa ang mga tamang project para bumalik sa kanila ang mga investors nila. She grabbed her files and set to work on the laptop. She worked all morning before she saw yet again that it was already lunch time. Hindi naman niya nakalimutan na meron silang lunch ni Nadine at ni James. "Hey Julie." James greeted her as she joined them at a certain coffee shop. Hindi niya makakalimutan iyon dahil doon siya kinausap ni Ehra. Mabuti na lamang at ibang lamesa ang napili nila James at Nadine kung saan kakain dahil baka ang muhka lang ni Ehra ang maalala niya buong tanghali. "Okay, muhka namang match ang gawa natin." Julie said in a happy tone. They were looking at the plans for a sample room sa resort ni Mr. Lim. Small steps muna. "Why isn't Aaron here nga pala?" Tanong naman ni James nang mapansin na hindi nga nila kasama si Aaron. He was supposed to be part of the team. Kahit na more on the architecture and interior design aspect sila. "I invited him kaso may ginagawa pa daw siya. Babawi na lang daw siya sa susunod." Ani Nadine. They continued discussing and also proceeding to eat their lunch when a few people entered the cafe. Hindi nag-angat ng tingin si Julie dahil abala siya sa pagiisip ng pwede pang i-design. She kept talking but found out that Nadine and James weren't actually listening to her anymore. She peeked from behind her eyeglasses and saw a familiar but unwelcome face approaching them. You had to give it to her. Kahit naiinis siya dito ay hindi naman maitatanggi ni Julie na maganda ang muhka talaga ni Ehra. Elegante kasi ito tingnan at magaling magdala ng sarili. Gusto niya sana mag-iwas ng tingin. Hindi naman siya takot pero ayaw lang niya kausapin muna ito. But it was too late. Dahil muhkang nakita nito sila James. "Hello, James, Nadine...Julie." Ani pa ni Ehra nang mapansin na siya'y nandoon. At dahil wala naman alam ang dalawa pa na kasama ni Julie sa mga pangyayari ay nginitian lang ng mga ito si Ehra. "Hey Ehra, having lunch here?" Tanong pa ni Nadine. "Oo nagcrave ako. E walang mayaya pero even if I'm alone okay lang." Ani Ehra. Pagkasabi pa lamang ng alone ni Ehra ay alam na ni Julie ang susunod na sasabihin ni James at Nadine. "You can join us!" Julie sighed and tried to hide her disdain. At ito namang si Ehra ay tuwang tuwa na sa kanya pa tumabi. "Akalain mo iyon na magkakatrabaho din pala tayo Julie?" Ani sa kanya ni Ehra pagkaorder nito ng pagkain. "Magkaklase na nga ng high school...magkatrabaho pa. We have so much in common." Parang may laman ang sinasabi ni Ehra pero hindi na lamang umimik si Julie Anne. "You went to the same high school?" Tila gulat na sabi ni Nadine. "Ah oo! Magkakasama kami doon nila Elmo." Sabi pa ni Ehra. "Yung totoo nyan, doon naging kami ni Elmo. Umalis lang kasi ako kaya nagbreak kami." Hindi kaagad nakasagot si James at si Nadine. Si Julie naman ay nanahimik lamang at pasimpleng tumitingin kay Ehra na meron pa rin malaki na ngiti sa kanyang muhka. "Ah...so it was during high school." Tanging nasabi ni James. Halata naman kasi sa kanila ni Nadine na parehong hindi nila alam ang sasabihin lalo na at ganun ang binuksang topic ni Ehra. "Ah oo nauna naman kasi talaga ako kay Elmo." Sabi pa ni Ehra. At saka ito humarap pa kay Julie Anne. "Diba Julie?" The tension was high in this one. Pero professional naman si Julie. "Ah oo. First girlfriend ka niya...anyways..." She smiled sweetly pero may laman din ang kanyang binigay na ngiti. Akala siguro ni Ehra papatalo siya. "...invited nga pala kayo lahat sa engagement party namin." James snickered on the side and Nadine was quick to elbow him to shut up. Nakita ni Julie na bahagyang sumingkit ang mata ni Ehra pero fale na napangiti. "Ah tuloy pa ba iyon? Bakit ang dami balita na hindi naman daw totoo iyon?" Wag na sila maglokohan pa. May iilan kasi; (at kasama sila doon) na alam na ang so called engagement ni Julie at Elmo ay hindi naman totoo. "Oh it's very real." Hindi talaga siya magpapatalo. "So ayun. Wala pa exact date pero---ahh!" "Oh I'm so sorry Julie!" Natigil ang pagsasalita ni Julie Anne nang malaglagan siya ng chocolate drink ni Ehra! Sumakto iyon sa harap ng kanyang blazer na suot! Cream colored pa naman iyon! "Oh I'm so sorry." Ani Ehra. Kahit hindi naman tunog na pinagsisisihan niya ang nangyari. Julie calmed herself. Kailangan composed siya. Hindi pwede magpadala siya. She was so sure that Ehra was getting a rise out of her. Well tough luck hindi siya magpapadala. So what she did was to slowly remove the blazer she was wearing. Naiwan na lamang ang suot niyang spaghetti strap na blouse. It was black and hugged her breasts perfectly. No she wasn't flaunting her body. Sadyang wala siyang magagawa dahil nga dinumihan ni Ehra ang kanyang suot. Nanlaki ang mata ni Nadine at si James ay bahagyang napaiwas. "Sorry about that Julie. Pwede naman natin ipadry clean siguro. Kaso medyo mahal yun. E diba nagtitipid kayo ngayon?" Julie's eyebrows were already half raised but she decided for the better of it. "I can manage. Thank you. Pero babalik muna ako sa SJH." Sabi naman ni Julie Anne. She turned to Ehra who was sitting there with a small smirk on her face. "Sorry about the blazer." Ani Ehra na may maliit na ngiti sa muhka. Pigil na pigil si Julie na sampalin ang babae. She grabbed her ruined blazer and made her way back to her car. Alam niyang gusto pa siya sana pigilan ni James at Nadine, halata din naman sa muhka ng dalawang ito. Pero ayaw na niya kasi manatili doon kasama si Ehra. Baka kung ano magawa niya sa babae at mawalan pa siya ng class. She tossed her blazer on the passenger seat of her car before starting the engine. Naiinis pa rin talaga siya. "Argh!" Sigaw niya sa loob ng kotse at binigyan ng isang palo ang manibela. Ehra was playing dirty but she wasn't going to stoop that low. Kinalma niya ang sarili. Dapat hindi siya magpadala dito. Halata naman na pinoprovoke siya ng babae. Siguro iniisip nito sa sasabog siya at mananabunot habang nasa loob ng restaurant para sirain ang imahe niya kay Elmo. Well tough luck hindi siya magpapadala. Pero imbis na sa SJH ay sa Chavez siya dumeretso. Hindi niya alam kung busy ba si Elmo dahil hindi pa niya ito nakakausap simula nung umaga. Pareho lang sila na nagt-trabaho ng maigi and she was happy with that. Kailangan nilang dalawa magtrabaho ng maigi para na rin sa ikabubuti ng mga kompanya nila. She was still very much conscious of her look. Wala naman masama na nakasleeveless blouse siya. Ang problema lang talaga ay ang mga tingin na binibigay sa kanya ng mga tao sa paligid. Lalo na mula sa mga lalaki. But she just had to see Elmo right now. Para bang kailangan niya muna makita ang lalaki at magpakalma. She walked straight into the Chavez building. At kahit wala siyang ID ay hindi naman siya kinuwestiyon pa ng gwardya dahil kilala na siya nito. She was actually considered as one of the bosses so to speak. She held her head up high and walked straight to Elmo's office. Wala siya pake na maraming nakatingin sa kanya ngayon. She was sure that some guys were looking straight at her na para bang walang kahiya hiya ang mga ito but she didn't care. Napatalon sa gulat si Ana nang buksan niya ang pinto sa pinakaopisina ni Elmo. Tiningnan siya ni Ana at wala naman siyang iba pa na sinabi. Tumaas ang kilay ng babae sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin at derederetso na pumasok sa loob ng opisina ni Elmo. She gave a small knock first before opening the door. Napataas ang kilay niya nang makita na hindi nagt-trabaho si Elmo...natutulog ito sa sariling sofa! Nakahubad ang coat at shirt nito at naka sando at slacks lang na sarap na sarap ang tulog. "Tags..." Linapitan niya ito at pinidot pindot ang braso. Wala. Coma. "Tags!" Medyo linakasan niya ang boses. Elmo only stirred in his sleep. Napahinga ng malalim si Julie Anne. Lumapit siya at binigyan ng mumunting halik ang muhka ni Elmo. Napangiti siya nang makita na gumalaw si Elmo at umuungol sa panaginip. "Julieee." Nanaginip pa ata! Natawa ulit si Julie Anne at mahinang kinagat ang pisngi ni Elmo. "Aray!" Mabilis na napalayo si Elmo at nagising. Gulat itong napatignin kay Julie habang nakahawak sa namumulang muhka. Hindi na natiis ni Julie at napatawa. Nawala na ang pagkabadtrip niya napagtripan lang si Elmo. "Tags, what are you doing here?" Tanong pa ni Elmo habang hinihimas ang namumula na pisngi. Sinimangutan niya si Julie na tumatawa pa rin. "E ikaw? Bakit ka natutulog?" "Sino kayang hindi ako pinatulog kagabi?" Balik pa ni Elmo. Hindi na ito nakasimangot pero nakangisi kay Julie Anne. Pero nawala ang ngisi nito nang makita kung ano ang suot ni Julie. Walang sabi sabi na kinuha nito ang coat na nakasampay sa may likod ng couch at mabilis na ipinatong ito sa babae. Julie looked at him with a raised eyebrow. "Dumating ka dito ng nakaganyan?" Tila nagtitimpi na sabi ni Elmo. Julie rolled her eyes. Hindi niya sasabihin na tinapunan siya ni Ehra ng tsokolate. "Namantsahan kasi yung blazer ko kanina." She explained. Walang sabi sabi na tumayo si Elmo at tinawagan si Ana mula sa kabila. "Ana, labas ka ngayon, bili ka ng peach colored na blazer size small." Bigla itong napatingin kay Julie na nakaupo pa rin doon. "Uh, gawin mo medium..." Saka nito binaba ang tawag. Julie opened her mouth to say something but Elmo beat her to it. "Kapag small...hapit masyado, hindi kaya sa chest area mo." Ani Elmo. He walked over to her and started putting back his shirt. Julie rolled her eyes. "Why are you here nga pala?" Tanong sa kanya ni Elmo. "Bakit? Bawal ka na bisitahin? Bakit? May babae ka mamaya? Kaya ka ba pagod?" Pangaaway pa ni Julie. Medyo triggered pa rin kasi siya. Elmo chuckled and shook his head. He cupped her face with one hand and planted a couple of kisses on her lips. "Kagabi po kasi si Julie Anne Magalona ay kalabit ng kalabit kaya naka pitong round kami." "Kapal ng muhka mo ikaw ang nangangalabit! Saka limang round lang tayo!" Muli ay natawa si Elmo at hinila siya para kandungin. She had both of her legs on either side of him, as they faced each other. "Lima lang ba? O dali dagdagan pa natin ng dalawa. Saka ikaw ba si Julie Anne Magalona?" Natameme si Julie at namula sa sinabi ng lalaki. Oo nga naman Julie wag ka nagfefeeling...San Jose ka kaya. "Ay oo nga pala hindi ako Magalona." Balik niya. Pero hinapit siya palapit ni Elmo at tumawa bago yakapin siya ng mahigpit. They stayed in that position. His face pressed against her collarbone and her cheek pressed against the top of his head. "I will make you a Magalona someday." Sagot naman ni Elmo. His voice was slightly muffled since his face was against her skin and all. Julie pulled away with a smile on her face. Gusto lang naman niya kasi talaga makita si Elmo. At gumaan naman na ang pakiramdam niya. "Dinner tayo sa labas mamaya Tags? Or better yet I'll cook for you." "Sure! Excited na ako. Busog nanaman ako mamaya." sabi ni Elmo. Umalis na si Julie sa pagkakakandong sa lalaki. It was moments like this that mattered for her. She leaned in and kissed him on the lips. "I'll see you later tonight." =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Nasa kalagitnaan ng pagluluto ng hapunan nila ni Elmo si Julie Anne nang magring ang kanyang telepono. Bumungad ang litrato nila ni Elmo na nakahiga sa kama at nakangiti sa camera ng telepono. "Hey Tags!" She smiled as she answered the phone. "Tags..." Something about Elmo's voice was off. "What is it?" Kinakabahan na tanong ni Julie Anne. "Are you alright?" "O-oo okay lang naman ako kaso kasi, k-kailangan ko mag overtime." Elmo sighed at the other line. "Pero uuwi ako. I'm sorry." "G-ganun ba..." Ani Julie. Hindi naman niya ikakaila na na-disappoint siya. But work was work. "Sige, ingat ka pauwi. Magtext ka ha?" "Alright. Thank you Tags...I love you." Ani Elmo at binaba na ang tawag. Julie lowered her phone. Ang dami pa naman niya linuto wala din naman pala kakain. She was starting to pack up what she had cooked nang magkaroon siya ng ideya. Bakit hindi niya dalhin ang pagkain? Samahan niya ito mag over time! Tama tama. She grabbed some containers and transferred the food she cooked. Derederetso siya pababa. Tiyak na masosorpresa si Elmo sa kanya. Wala na masyado tao sa office building. Papasok pa lang siya nang matanaw si Elmo na papalabas ng elevator. And he wasn't alone. Nagtago sa isang gilid si Julie para hindi siya mapansin ng mga ito. So from her corner, she watched Elmo and Ehra making their way out of the building, arms around each other. At kung hindi pa sapat yon ay nakita niyang tumingkayad si Ehra at hinalikan sa pisngi ang lalaking mahal niya. Nakalabas na ang mga ito at lahat, siya...tigagal pa rin na nakatayo sa pwesto niya habang hawak hawak ang container ng pagkain na linuto niya para sana kay Elmo. She shook her head and blinked but that only triggered the tears to fall from her eyes. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Halllooo! Salamat po sa lahat ng nagbabasa at nagcocomment at bumoboto. thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD