Pakiramdam ni Julie ay may pumupukpok sa ulo niya nang mabuksan niya ang kanyang mga mata. Parang gusto niya sumuka at mas tuyo pa ang lalamunan niya sa disyerto ng Sahara. Anong nangyari sa kanya kinagabihan? Asan na siya? Masakit ang kasukasuhan niya na para bang nangalay ang buong katawan niya. Kahit nahihilo ay sinubukan niyang dumeretso sa kama at napaupo. Umakyat ang kilabot sa sistema niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Aaron. Wala itong suot na pangitaas at naka "Oh good! You're awake!" Ani Aaron. He looked relieved but Julie was mad. "What am I doing here? Anong ginawa mo sa akin?!" Galit na sabi ni Julie Anne. Tiningnan niya ang sarili at nakitang nakadamit pa rin naman siya. Wala siyang nararamdaman na iba sa kanya. Pero masama pa rin ang tingin niya kay Aar

