Sa isang linggong pamamahinga ko mula sa pagkasuspende ko sa klase ay hindi man lang naging productive ang araw ko. Kung hindi man ako makakarinig ng pagtatalo sa magulang ko ay wala ring mapupuntahan ang pamamalagi ko sa bahay.
Mas lalong nagulo ang utak ko't inunahan ako ni Dylan magpost sa twitter patungkol sa hiwalayan namin na kinagulantang ng SCU community (San Carlos University).
*Siguradong laspag kaya hiniwalayan!
**Di nga!
*sino naman ang hindi lalaspag kung sino-sino na lang!
**Aanhin mo ang ganda kung laspag na!
*Hwag kayo manghusga hindi n'yo kilala si Violet!
*Kung makapagsabing laspag, ano kayo? Mga walang modo!
Napangiti ako ng mapakla sa bumungad sa akin na mga comments ng ilang estudyante. Matamlay ko na lang na nilapag ang cellphone at hinayaan na lang iyon. Isa pa ganoon naman talaga ang tingin ng tao sa akin. Inayos ko ang sarili at nilisan ko ang bahay na hindi ko alam ang patutunguhan.
Tumawag sina Mia at Dinah nang mabasa ang post at pilit akong inaalo.
"Don't worry, Dinah sanay na ako sa mga ganyan."
"Ayaw mong edepensa sarili mo?" giit ni Dinah sa kabilang linya. " Nasasaktan ako para sa 'yo, beh-"
"Okay lang. Sino ba naman sila para pagtuonan ko ng napansin. Nandiyan naman kayo ni Mia na alam ang tunay na ako."
Kanina pa kasi sina Mia at Dinah na narereply at depensahan ako online. "Oo, naman kahit na anong mangyari kami talaga ang unang susugod para sa'yo!"
"Beh, ako talaga ang masisisi dito nang dahil kay Dylan."
"Ano ka ba, sigurado akong galit na galit ang lalaking iyon at hindi nakuha ang gusto niya." Umismid si Dinah.
"Tama, beh."
"Gusto mo gantihan natin ng post?"
"H'wag na."
"Oo nga pala, wala ka bang ginagawa diyan? Abala ka ba? Gusto mo punta ka dito sa resort namin may family gathering dito, beh," turan ni Mia sa video call namin.
Napatikom ko ang labi. Hindi ko mapigilang managhili kay Mia. "O-Okay lang, beh. Sige enjoy mo muna sarili mo riyan, kita kits na lang tayo bukas." Iyon lang at ini-end call ko na ang group call namin. Matamlay na nilihis ko ang direksiyon sa kung saan. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili sa convenience store na tinutungga ang paborito ko na orange juice. Nakatanaw sa kawalan na animo'y walang makaka-abot.
Isang tikhim ang nagpagising sa aking diwa. Ta's lumangitngit ang bakal na silya sa tabi ko. Matamlay ko na binaling ang sarili sa panauhin. Sa inaasahan ay si Henrick ang bumungad sa aking mga mata. Tahimik siyang naupo sa tapat ko. Walang salamin sa mata. Kagagaling lang sa part-time job.
Wala akong mahanap na salita sa labi. Pinili ko na lang na manahimik. Akma ko na abotin ang bote ng juice nang sinulyapan niya ako. Bumaba ang mata niya sa orange juice.
Napatikom ko ang labi nang maalala ko ang pangtanggi ko dito nang binigyan niya ako ng juice noong isang araw. "This isn't my fave-" depensa ko na iniwas ang mata.
Isang maliit na ngiti ang pinakawala niya. "Hindi ba? My bad."
Tumikhim ako nang maalala ko kung bakit kami nasuspende. "Ayokong magsorry sa nangyari."
"There's no need to feel bad about it-"
"I don't!" Inirapan ko siya. "Kung hindi ka lang pumasok doon at hindi ka nangi-alam hindi ka sana madadamay-"
"Do not feel bad, do not feel sorry, Violet."
"I don't-"
"You are!"
Napatikhim ako. Yes, I do. I feel sorry for him. He's our student council president and because of me-nadamay siya sa kagagahan ko.
"These are the consequences of my actions.." Ngumiti siya. Kuminang ang suot niyang braces.
Saglit namayani ang katahimikan sa pagitan namin na nakakabingi. Wala maski isa sa amin ang nagbukas muli ng usapan. Sa ilang minutong pananahimik namin ay tumunog ang cellphone ko.
Mrs. Ramirez is calling...
Sumikdo ang kaba sa dibdib ko nang mabasa ko kung sino. Minsan lang o kaya malimit pa sa tagtuyot kung tumawag ang mga magulang ko. Blangkong nakatitig lang ako sa screen ng cellphone na walang tigil sa pagtunog.
"Please, pick it up." mahinang saad ni Henrick nang mapansin ang paninigas ko.
May pag-alinlangan man ay sinagot ko ang tawag. "Mommy?"
"Umuwi ka, ngayon din!"
Iyon lang at naputol na pagkatapos. Nilapag ko ang cellphone sa mesa at tinungga ko ang natirang juice tila ba nanunuyo ang lalamunan ko. Tumayo ako na walang salitang namutawi sa aking labi. Tumalikod ako na iniwan si Henrick na hindi man lang nagpaalam.
***
Bago ko pa tuluyang maitulak ang pinto ng silid na kinaroroonan ng magulang ko. Bumungad na naman sa akin ang sagutan nila at wala ng bago.
"Sigurado na ako sa desisyon ko, Rowena. Let's get a divorce."
"Emmanuel-"
"Pakakasalan ko ang babaeng gusto ko!" Walang atubiling saad ni Emmanuel.
"Pero may anak tayo."
"Bakit mo ba palaging ginagawang dahilan si Violet. Tatayo pa rin naman akong ama at kahit kailan hindi ko kakalimutan ang resposibilidad ko. Pakawalan mo na ako, gusto ko na maging masaya," bakas sa boses ni Emmanuel ang tinding frustration.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko tinulak ang pinto. "Just give up already," matamlay ko na mungkahi. Tinuon ko ang paningin kay mommy na sa sandaling ito ay gulat ang bumakas sa mukha. "Ano ba pinanghahawakan mo sa pamilyang 'to, mommy?
"V-Violet, anong sinabi mo?" Kuyom ang kamay ni mommy na pinasadahan ako ng tingin.
Lumunok ako ng laway bago ko muling binuka ang bibig. "Y-You both made my life miserable-"
Hindi ko na natapos ang salita at lumagapak na sa pisngi ko ang likod ng palad ni daddy. "Violet! Watch your mouth!" bulyaw ni daddy.
Napapikit ako sa sobrang lakas niyon. Nalasahan ko ang maalat na likido sa loob ng aking bibig. Nang makabawi ay umayos ako ng tayo. Matalas ko na binato si daddy ng tingin. "Nagagalit ka, dad dahil tama ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. Pinigil ko ang boses na hindi gumaralgal.
"Violet! Kailan ka pa natutong sumagot?"
Isang mahinang tawa ang pinakawala ko. Hindi ko naikubli ang munting luha na tumakas sa gilid ng aking mga mata. "Iyan kasi, hindi n'yo na napapansin kung ano ang nagbago sa sobrang abala n'yo." Pabaling baling ang mata ko sa kanila.
"Ano? I am busy to give you everything you need!" Malakas na bulyaw ni daddy na umaalingawngaw sa buong studyroom.
Hindi ko na napigilan ang luha at kusa ko na iyong pinakawala. "Alam ko po pero tang-ina, dad! I am your daughter. Kailangan ko rin ng oras n'yo't aruga. Simula't sapol ni minsan di ko naramdaman na andiyan kayo!" Nanginginig ang baba kong pinilit pinigilan ang aking hagulhol. Ibig kong durugin ang labi dahil sa pagtitimpi. Sa unang pagkakataon ay nagkalakas ako ng loob upang magsalita. "A-Anong halaga ng kasal at buo na pamilya na walang namang pagmamahal!"
"Violet!" sigaw na mommy na pinandilatan ako ng mga mata.
"Mommy, palagi mo na lang akong dinadahilan sa kanya." Matalas na titig ang pinukol ko kay daddy. "In fact, makakatayo ka ng mag-isa. You possess everything. You are capable of raising me on your own."
"Violet that's not it-hindi mo naiintindihan! I love your father," dahilan ni mommy.
"However, he does not share the same feelings." Tinaponan ko muli ng tingin si daddy. Hindi ko na ininda ang mga luha.
"Violet-" napaatras ng kaunti si mommy.
"This family isn't worth the struggle. It's time to stop fighting and let him go. Proceed with the divorce; I couldn't care less!" Nanginginig na hinakbang ko ang paa papalabas.
"Violet!" pigil ni daddy.
"What now?" umarteng hindi ako apektado. Hindi ko siya binalingan.
"Whatever your decision hindi iyong nakakaapekto sa decision ko, gagawin ko pa rin ang gusto ko-"
"Hindi kita pinapaboran, dad... it's just I am tired." Binitawan ko lalo ang luha at hinayaan iyong dumaloy sa aking pisngi. "Pagod na po ako," sumisingot na malaya ko pinakawala ang hagulhol. Tumalikod at nilakihan ko ang hakbang. Ibig ko na agad makaalis ng bahay ngunit naging mabilis si mommy na pigilan ako.
"Violet! Hahayaan mo na lang ba ang daddy mo?"
Napinto ko ang pagbaba ng hagdanan. Isang buntong hininga ang pinakawala ko sabay napasingot. "I don't have the right to stop him; he has loved another woman from the start. Bakit mo ba pinagpilitan ang sarili mo-tayo, mommy?" bahagya ko na diniinan ang huling kataga.
"Do you want a broken family?" segunda niya.
Isang ngiti ang pinakawala ko na hindi umabot sa mga mata. Mas lalong bumalong ang luha ko. "Broken family? Sino naman ang gusto ng broken family?"
"Bakit mo hinahayaan ang ama mo?"
"Simula na ako'y nagka-isip hindi ko naramdaman ang presensiya n'yo. Ngayon, sasabihin mo pamilya? Hindi ko nararamdaman na pamilya tayo, mommy."
"Violet!"
"Bakit hinintay ninyo pa ang ilang taon? Tang-ina, pagod na pagod na ako, mommy pagod na pagod na akong umasa na magiging okay rin ang lahat kahit na ba malabo ng mangyari." Pilit akong ngumiti.
"Violet, aminin ko. I am too selfish pero h'wag mong hayaang masira ang pamilyang pinaghirapan ko."
"Pamilya? Tang-ina, gumising ka na, mommy! Bakit ba takot na takot kang mawala si daddy? Wala naman tayong pinanghahawakang magandang ala-ala. Ni-minsan hindi ko naalalang tinawag n'yo ko na anak... ni minsan hindi ko naalalang may dumalo sa events ko sa paaralan o kaya magsabit lang ng medalya at ni minsan hindi ko naalalang nagtanong kayo kung okay lang ba ako. Umiiral ako sa mundo pero hindi sa mga mata n'yo!"
"Violet!"
"Mommy, hindi po ako okay at kahit na buo ang pamilyang 'to hindi pa rin ako magiging okay! Let go, grant him the freedom he desires, I couldn't care less at this point!" Mabilis ang paa ko na hinakbang upang makababa lang. Halos tinakbo ko na ang natitirang baitang nang muli akong tinawag ni mommy.
"Violet, I will die if I lose your, dad!" humagulhol na sigaw ni mommy na umaalingawngaw sa buong kabahayan. "Violet!"
Hindi ko siya nilingon pa. Walang humpay ang pagdaloy ng aking luha. Tinakbo ko ang glamorosong pandalawahang pinto ngunit may naaninag akong anino na nakatayo sa b****a roon. Nakapako ang paa nito sa sahig na may hawak na cellphone. Tumama ang paningin niya sa namamasa ko na pisngi.
Henrick!
Nang makilala ko kung sino mas lalo ko na pinakawala ang emosiyon. Tinakbo ang kinaroroonan ng binata. Hindi nanghingi ng pahintulot ay pinagpahinga ko ang noo sa dibdib niya. Mas lalo akong humagulhol.
"I came to return your phone-"
"Alisin mo ko sa tang-inang bahay na 'to, paki-usap!" agad ko na utos sa kanya. "Please, Mr. President dalhin mo 'ko sa lugar na malayo at walang makakaabot kahit na sino... kahit na girlfriend mo!"
Ilang segundo bago siya umungol at nakuha ang ibig ko na sabihin. Tumalima siya't sinuportahan ako hanggang sa tuluyan naming nilisan ang bahay.