Namumugto ang mata. Hindi ko alam kung saan ko ilugar ang sarili. Nakatunganga at lutang ang aking diwa. Tatlong linggo na ang nakalipas mula ng mailibing si mommy. Dumating si daddy sa libing pero saglit lang din at agad umalis. Nandoon din sina Dinah, Mia at Henrick nakikiramay pero hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang mga kaibigan ko at dinaig ang isip ko sa tinding panibugho. Mula sa funeral hanggang sa naka-uwi ako ng bahay ay tila ba nakalutang lang ako't hindi pa nagsynced in sa ulirat ko ang nangyayari.
"Iha, Violet." Pumasok si Nana Koretta sa silid ko na may dalang tray ng pagkain. "Kumain ka na't nangangayat ka na." Nilapag niya ang dalang tray sa ibabaw ng kama.
Sa halip na sumagot ay binaling ko lang sarili sa nakabukas na bintana. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Si daddy ay may sarili ng pamilya. Nangako naman siya na hindi niya ako pababayaan. Kahit papaano ay may pinanghahawakan naman ako bilang anak niya pero hanggang doon lang... naiwan pa rin akong mag-isa.
Hindi ko napigilan ang luha at kusa iyong bumalong sa pisngi ko habang nakatanaw sa blangkong kawalan.
"Violet." Naupo si nana sa gilid ng kama nang mapansin ang pagsingot ko. Hinagod niya ang likod ko. "Hindi ito ang kataposan... huwag kang panghinaan ng loob."
"Nana." Mas lalo akong napahagulhol sa narinig. Hinayaan ako ni nana na umiyak nang umiyak hanggang isang katok ang pumukaw sa amin.
"Iho."
Tumambad sa paningin namin si Henrick. Simula nang maihatid niya kami sa ospital ay hindi ito umalis sa tabi namin hanggang natapos ang funeral ni mommy. He's been so patience. He's been there for me until today.
"Madam." Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng silid. Nilapag niya ang dalang Violet na bulaklak sa tabi ng flower vase na nasa ibabaw ng bedside table.
Tumalikod si nana at lumabas ng tuluyan ng silid. Naiwan kaming dalawa sa loob. Tumama ang mata niya sa pagkain na hindi pa nagalaw.
Umupo siya sa gilid ng kama. Kinuha niya ang pagkain at hinimay-himay. "Don't starve yourself, Violet... Sina Dinah, Mia naghihintay sayo."
Ilan linggo na rin na hindi ako pumasok sa paaralan.
Inangat niya ang tinidor na may piraso ng porkchop upang isubo sana sa akin ngunit umiling ako. Wala akong gana.
"Pati ako, Violet. I am waiting for you to come back," dagdag ni Henrick.
"A-anong gagawin ko, Henrick?" Kuyom ang palad. Yumuko ako upang ikubli ang namumuong luha. "N-naiwan akong mag-isa. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko... sa buhay ko." Hinayaan ko ang luha na tumakas ng tuluyan sa mga mata ko.
Kapagkuwan ay isinantabi niya ang pagkain. Yumuko siya upang matitigan ako. Inabot niya ang namamasa ko na pisngi saka tinuyo iyon. "Huwag mong isipin mag-isa ka. Nandiyan naman si nana Koretta mo... ang mga kaibigan mo... " he stopped in midsentence. He reached me and hugged me, "—ako... nandito ako, Violet." Humigpit ang yakap niya na kinahagulhol ko ng tuluyan.
Malaya ko na pinakawala ang mga luha. Pinawi ni Henrick ang alalahanin ko sa buhay. I can't recall the exact moment we grew close though Henrick has somehow become an important person in my life.
***
"Did you enjoy the place... the view?" bukas ni Henrick. Kapwa kami nakahiga sa carpet na nakalapag sa damuhan. Ang mga mata namin ay nakatunghay sa madilim na kawalan na puno ng kumikinang na bituin.
"Pretty much," sabi ko na pinagsawa ang mga mata.
"I know, she's there watching you." Ang tinutukoy niya ang aking ina.
Lihim akong napabuntong hininga. "I hope so. I hope so, Henrick. She is selfish. If she truly cared for me, why would she choose to end her life? Sarili lang niya ang iniisip niya." Ang tinig ko ay puno ng pagtatampo.
"Minsan, kailangan din nating maging makasarili upang maging masaya, Violet. Minsan hindi natin napapansin na may napabayaan at naapakan na tayong iba ngunit ang unahin ang sariling kagustuhan ay hindi pagkakamali, Violet."
Napabuntong hininga ako. "I guess you are right."
"Did you hate her... them?"
Umungol ako kunwa'y nag-iisip. "Hate? Hindi naman sa galit siguro nagtatampo. Hindi ako pwede magalit sa kanila kahit na ba gustuhin ko. Kahit na ba iyon ang gusto ng puso ko. Kahit na ba may pagkukulang sila bilang mga magulang ko. Kahit na ba hindi ko sila nararamdaman, hindi ako pwedeng magalit sa kanila, Henrick. Binigyan nila ako ng maginhawang buhay. At the very least, I should be grateful for that." Pasimpleng tinuyo ang munting luha na tumakas sa mata ko.
Bumangon si Henrick mula sa pagkakahiga. Tumagilid siya upang matitigan ako. "That's nice to hear from you, Violet. I am proud of you. You did great."
"I don't know if I can handle all of these things without you. So yeah... thank you for being here for me, Mr. President."
"Of course, I am here for you, Violet. You are not just somebody."
"I am not just somebody?"
"Y-Yeah, you are not just somebody. You're Violet. My Violet," pabulong na bigkas niya sa huling kataga na hindi klaro sa pandinig ko.
"Thank you." Ngumiti ako.
"Walang problema basta ikaw." Muli siyang humiga sa tabi ko.
Pinagsawa namin ang mga mata sa mga bituin sa kalangitan. Kalaona'y tila ba ayoko nang mawalay kay Henrick. I became dependent to him.
***
Hanggang lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Hinayaan ko ang panahon at paunti-unting naghilom ang sugat sa puso ko. Pinilit ko ang sariling tanggapin ang buhay sa naaayon. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral. Ilang linggo na lang at ga-graduate na ako... kami nila Dinah at Mia... Henrick too. Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos. Kailangan kong sumabay at ipagpatuloy ang buhay hangga't maaari.
"Beh!" Tili ni Mia nang mabasa ang resulta ng panghuling pasulit namin. "Congratulations to us!"
Lahat kami ay pumasa. "So, what is your plan after this?" Pabaling baling ang tingin ni Mia sa amin ni Dinah.
Umungol si Dinah. "My dad is encouraging me to pursue studies overseas." Nasa tinig niya ang kasabikan.
Bumaling sila sa akin pagkatapos. "How about you, Violet?"
Napadiin ko ang labi. Wala akong maapuhap na sagot para sa tanong nila. Ano nga ba ang gusto ko? Wala akong ideya. Wala akong pangarap para sa sarili ko. As a child, I always aspired to be someone who would make my parents proud, but now, I'm not so sure... I really don't know.
Umungol si Mia nang walang marinig mula sa akin. Ilang sandali napukaw ang atensiyon ng dalawa nang dumaan sa Henrick sa tapat namin.
Habang sinusundan ko ng tingin si Henrick, bigla akong nakaramdam ng takot. Oo. Natatakot ako sa posibilidad na darating ang araw na hindi ko na siya malayang makikita.
"Mr. President." Sinundan ng tingin ni Mia si Henrick na umupo sa likuran.
"Yes, Miss Dela Cruz?" Nakataas ang kilay ng binata na pinasadahan ng tingin si Mia.
"Well, would you mind if I ask?" patuloy ni Mia. Pasimpleng kinurot ni Dinah ang tagiliran niya ngunit nagsawalang kibo ito ngumiti pa kay Henrick.
"Ano 'yon?"
"After our graduation? Anong plano mo, saan ka mag-aaral?" Makahulugang sinulyapan ni Mia si Dinah na nasa tabi ko.
Tumikhim si Henrick. Sinulyapan niya ang gawi namin ni Dinah. "For now, hindi pa sigurado but I am planning to study abroad."
Ngumiti si Mia na sinulyapan agad si Dinah. Maarteng napahawi si Dinah sa kanyang buhok.
Ako naman ay tila nabingi sa narinig. Hindi ko napansin ang kilos. Marahas akong tumayo sa pagkaka-upo. "E-Excuse me, pupunta lang ako ng comfort room."
"Sige, beh." Nagkibit-balikat si Mia.
"Gusto mo samahan kita?" mungkahi ni Dinah.
Agad akong umiling. "Sandali lang ako." Tinakbo ko ang pinto papalabas hanggang sa narating ko ang tahimik na pasilyo.
Napasandal ako sa pader. Marahan ko na kinapa at dinama ang dibdib. Bakit tila nakadama ako ng lungkot sa narinig mula kay Henrick. Does this mean I have become attached?
Bumalik ako sa classroom na animo'y walang nangyari. Pilit ko na inignora ang isiping iyon hanggang natapos ang araw.
Tumayo na kaming tatlo upang lumabas ng silid. Tahimik lang akong sumunod kina Dinah at Mia nang mapansin ko si Henrick sa likuran ko hanggang sa pinantayan niya ang aking hakbang.
"Violet."
Umungol lang ako. Deritso ang aking paningin kina Mia sa harapan.
"Do you want to—" napinto ni Henrick ang sasabihin nang bumaling si Mia sa amin. "H-Hi, Miss Dela Cruz." Ngumiti si Henrick.
Napansin ni Dinah ang presensiya ng binata. Agad siyang bumaling sa amin. "Hey, Henrick." Umatras si Dinah upang magpantay ang hakbang nila.
Lumihis ako't sadyang binigyan ko ng daan si Dinah upang maka-usap ang lalaki. They were speaking casually. Dinah inquired about which country he planned to study. Nakita ko kung paano sila komportable sa isa't isa. At hindi ko gusto iyon. Ayoko! I desire him for myself, not for her. I want Henrick!
Kalap ang tapang ay binuka ko ang bibig. "Dinah?!" Mahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking palad. "Pwede mauna na kayo ni Mia?"
"Beh?" Naguguluhan si Dinah na tinapunan ako ng tingin. "May nakalimutan ka?"
"Can you leave first w-without... him?" Sinulyapan ko si Henrick.
Napaawang ni Dinah ang labi. "Bakit?"
"Please, Dinah I beg you to leave first!" Tumaas ang tono ng boses ko.
"O-Okay, bye, Mr. President!" Hinagip ni Mia ang braso ni Dinah at kinaladkad pababa ng gusali. "Hayaan mo muna sila," dinig ko pa na bulong ni Mia kay Dinah.
Henrick is still there standing an inch away. Hinintay ko na tuluyang maglaho ang mga kaibigan ko bago ko muli binuka ang bibig. "Henrick?"
Umungol siya. Tinititigan niya ako. Ang mapupungay niyang mga mata ay nasa mukha ko.
"It is alright to be selfish, right?" Nanginginig ang aking kalamnan na turan.
Gumawa siya ang ungol na kunwa'y nag-iisip. "Being selfish can sometimes be acceptable, particularly when it involves prioritizing your own well-being or personal growth, Violet."
"Henrick! Ayokong nakikita kang may ibang kausap, may ibang nginingitian!" buong tapang na pag-amin ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Habang tumatagal kasi gusto ko sa akin ka lang... gusto ko sa akin ka lang ngumingiti. The more I am with you the more selfish I become. I want to have you all to myself, Henrick!"
***
Thanks for waiting