"Trevor, bakit ba ang ingay mo?!" asik ko na kay Treborsyo. Kanina pa ako naiinis sa boses niya. Mula kanina paglabas namin sa club ay wala na siyang tigil sa pagkanta. Hindi bale sana kung maganda ang boses niya. Bukod sa wala na nga siya sa tono ay mali pa yata ang lyrics niya na kanyang binabanggit. Masyado yata siyang masaya na hindi ko maintindihan. Siya yata ang dapat na ihatid ko sa bahay niya dahil mukhang lasing na talaga siya. Pero naalala kong may benda nga pala ang mga kamay ko kaya si Trevor pa rin ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Alam ko naman na hindi siya madaling malasing. May maganda lang siguro na nangyari sa buhay ng aking matalik na kaibigan kaya ganito siya kasaya. Sana lang ay hindi tungkol sa kung sinong babae na naman na nauto niya kaya siya masaya. Tumatand

