"Ana Joy, thank you very much for helping me na naman this day. Sana huwag kang magsawa na samahan akong mag-alaga kay Mama." Pasasalamat ni Debborah sa akin. Napakabait ng bunsong anak ni Doña Dorina. Akala ko dahil anak mayaman siya ay madali siyang madiri lalo pa kung hindi kanais-nais na bagay tulad kanina na tinuruan ko siya kung paano hugasan ang Doña kapag nadumi sa kanyang diaper. Wala akong narinig na anuman na reklamo at talagang sinusunod niya ang bawat sabihin ko. Ayaw na muna kasi ni Debborah na magkaroon na naman ng ibang tagapag-alaga ang kanyang Mama maliban sa kanya at sa akin. Mahirap daw magtiwala at baka may mangyari na namang masama. "Ma'am Debborah, kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan na alagaan si Doña Dorina. Gusto ko lang kasi na mas mapalapit na kayo ni Sir D

