Episode 124

1631 Words

Buong akala ko ay hindi sasama si Duke ng yayain ko siya para mamasyal kasama ang Tatay Damian niya. Sumama naman siya ngunit hindi kumibo. Hindi ko rin alam kung nag-enjoy ba siya sa pamamasyal namin sa isang theme park dahil seryoso lang siyang nagmamasid sa paligid. Hindi niya nilalapitan ang mga kapatid dahil nga kasama nina Dreau at Drei ang Tatay Damian nila habang masayang-masaya na ini-enjoy ang mga bagong nakikita ng kanilang mga mata. Sana lang talaga ay maging mahaba ang pasensya ni Sir Damian sa pinapakita na ugali ni Duke. Kahit kasi panay ang tanong niya sa anak ay hindi talaga ito sumasagot. Baka marindi naman ang utak ng anak ko kapag mayat-maya ay pagalitan ko. Sinubukan rin naman namin siyang aliwin ng kanyang Ninang Tine dahil sa magandang paligid pero anong magagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD