"Bakit mo naman nasabi na hindi mo alam kung patay na o buhay pa ang tatay ng pinagbubuntis mo?" tanong ni Tine na talagang makikita sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi ako sumagot. Naalala ko na naman si Sir Damian at ang eksena bago kami naghiwalay ng landas. "Ano ba ang trabaho ng tatay ng anak mo? Kriminal ba siya? Magnanakaw? Nahuli sa akto at agad itinumba? Agad pinatay?" Naputol ang malalim kong pagmumuni-muni sa narinig na mga tanong mula kay Tine. Kahit kailan sobrang malala kung mag-isip. "Grabeh talaga ang mind set mo, Tine? Kanina may sugar daddy, pinaghihinalaan mo akong may sakit na sa utak tapos ngayon naman kriminal ang tatay ng anak ko." Natatawa ko na namang turan sa aking kaibigan. "Ayaw mo pa kasing magkwento. Pa suspense ka pa na nalalaman. Hindi naman sa tsi

