"Ganun pala ang kwento? Ginawa mong pambayad ang sarili mo sa utang ng tiyuhin mo na sampung milyon kay Sir Damian?" tanong ni Tine. Kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian dito sa bago namin bahay ni Doña Dorina. Isa rin sa panalangin ko ay maisip ng aking kaibigan na dito na lang manirahan kasama namin. Total ay narito na siya sa bayan. Nagtaka pa ako ng bitawan ni Tine ang kanyang kutsara at saka tumayo. "Dapat kang bigyan ng standing ovation at palakpakan na may kasamang sigawan, Ana Joy. Bilib na bilib na talaga ako sayo," sabi pa niya at saka nga pumalakpak. "Tine, pamilya ko sila. Kaya naman anuman ang magagawa ko para sa kanila ay gagawin ko kahit pa kapalit na ng kalayaan at buhay ko." Sagot ko habang seryoso kong binabalatan ng balat ang sugpo na siyang aming ulam. "Hi

