Pakiramdam ko patang-pata ang buong katawan ko. Para bang may nakadagan na bakal o kaya ay bato na dahilan kung bakit hindi ako makakilos. Sobrang bigat din ng talukap ng mga mata ko at hindi ako makamulat. Ngunit pilit ko pa rin na binuksan kahit ang isa sa lang sa dalawa kong mga mata. "Welcome back, bro!" Masiglang boses ni Trevor ang narinig ko. Sinanay ko ang mga mata ko sa maliwanag na ilaw na nasisilayan ko sa paligid. Ngunit maya-maya ay ang nakangiting mukha na ni Trevor ang ngayon ay nakatunghay na sa aking mukha. "Kamusta na pakiramdam mo? Halos isa at kalahating araw ka na rin tulog dito sa ospital," saad ng aking kaibigan at saka tumingin sa kanyang relong pang bisig. Isa at kalahating araw? Ganun katagal na ako natutulog sa higaan na ito? Wala sa loob na bumangon ako

