Maaga pa lang ay naghanda na ako paalis ng bahay ni Trevor para tumungo na sa mansyon ng mga Zarrate. Mabigat man sa loob ko na iwan ang mga anak ko ay kailangan naman ako ni Doña Dorina. Iniisip ko na lang na matatapos agad ito. Makakasama ko ng muli ang mga anak ko sa buong araw. Mahuhuli na si Dr. Jerwin at wala ng panganib na pwedeng mangyari sa paligid. Ngunit bumabagabag sa aking puso at isip ang sinambit sa akin Trevor. Kailangan na ako mismo ang magsabi ng tungkol sa triplets kay Sir Damian. Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Paano kung hindi tanggapin ni Sir Damian ang mga bata? Paano kung kahit sumisigaw na ang katotohanan ay hindi pa rin siya maniwala? Siguradong masasaktan ang mga damdamin ng mga anak ko. Ayoko silang makita na umiiyak at nagmamakaawa p

