Episode 32 "May nangyari sigurong aksidente," wika ng driver ng taxi kung saan kami ngayon lulan ni Doña Dorina. Sa ngayon ay nakalayo na kami sa lugar kung saan kami iniwan ni Sir Damian. Ngunit bigla na lang umingay ang paligid. Nakakabingi ang mga tunog ng sirena ng ambulansiya at ng mga sasakyan ng mga pulis na binigyan daan ng mga motorista upang mabilis na makarating sa kung saan sila pupunta. Lalo akong dinunggol ng kaba. Waring hindi ako makahinga. "Paano kung si Sir Damian ang naaksidente? Paano kung nabangga ang kanyang sasakyan o sinadyang banggain? Naabutan kaya siya ng mga taong bumabaril sa amin kanina? Nakaligtas ba si Sir o patay na?" maraming katanungan na gumugulo sa aking isipan. Napaiyak ako habang iniisip na posibleng naabutan at napatay na si Sir Damian ng mga ta

