Pilit ko pa rin na giniit na hindi ako pwedeng umalis ng bansa. Naiintindihan ako ni Ma'am Debborah ngunit hindi si Sir Damian. Iniisip ko tuloy na umalis na lang ng walang paalam at umuwi na kami ng mga anak ko sa probinsya ngunit paano naman si Dr. Mendez? "Hindi naman po sa ayaw kung sumama, Sir Damian. Gusto ko rin naman po na alagaan si Doña Dorina hanggang sa gumaling siya. Ang kaso po ay may obligasyon din po ako at hindi ko po pwedeng basta na lang din na iwan." Katwiran ko kay Sir Damian na waring galit sa akin dahil bakit daw ayokong sumama sa pagpapagamot ni Doña Dorina sa ibang bansa. "At ano naman ang obligasyon na sinasabi mo, Ana Joy? May pananagutan ka ba sa ibang tao? May malaking utang ka rin ba sa iba kaya hindi ka pwedeng lumabas ng bansa para samahan ang isang ma

