"Nakatakas na naman si Jerwin! Pikon na pikon na talaga ko sa gagong 'yon!" Namumula pa ang buong mukha ni Sir Damian dahil sa galit na nararamdaman ng makatakas na naman si Dr. Jerwin na binalak pa na pasabugin ang ospital na pag-aari ni Trevor. Kumpirmadong bomba nga ang nakuha sa isang hindi kilalang lalaki na pinaghihinalaan na tauhan ni Dr. Jerwin. Ayon sa kwento ni Sir Damian, nakita raw sa CCTV ang mga kilos ng hindi kilalang lalaki kaya naman naging alerto ang mga securities ng ospital kaya agad itong hinuli. Kasalukuyan na itong nakakulong at talaga raw nag-iwan ng mga bantay sa presinto si Sir Damian upang siguraduhin na hindi ito makakatakas. "Kuya, wala ka ng magagawa kahit magwala ka pa ng magwala. Ang mahalaga walang napahamak lalo na at napakaraming tao sa lugar kung s

