Halos hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ako makapag-isip at pakiramdam ko anumang oras ay tatakasan na ako ng kamalayan at matutuluyan ng mamatay.
Halo-halo na ang mga eksenang pumapasok sa isipan ko habang nararamdaman pa rin ang pag usad ng sasakyan .
Hindi ko malaman kung nasaan si Cianna.
Kung katabi ko ba siya dito sa sasakyan o malayo ang aming agwat sa isa't isa.
Ngalay na ngalay na ang aking mga kamay sa higpit ng pagkakatali ng lubid na nakapulupot rito. May nakabusal sa bibig ko at may naka piring sa mga mata ko. Kung kaya naman wala talaga akong kaide-ideya sa mga pangyayari maliban lang sa naririnig ko sa paligid.
Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan sa hindi ko matukoy na lugar.
"Diyos ko po! Kayo na po ang bahala sa amin ni Cianna." Pipi kong panalangin. Pakiramdam ko ay hindi maubos-ubos ang luha ko na patuloy lang na umaagos sa aking mga pisngi.
"Dalhin ang dalawang babae kay boss! Nariyan na raw siya sa loob!"
Pagsabi ng utos ay may marahas na humatak sa akin palabas ng sasakyan. Naririnig ko ang ingay sa paligid ngunit hindi ko naman makita dahil sa telang nakatakip sa aking mga mata.
"Ganito ba ang pakiramdam ng bibitayin? Hindi alam kung anong isipin at anong gagawin? Walang mausal kung paano ang panalangin ang ibubulong makaligtas lamang sa naka ambang kamatayan?" tanong ko sa aking sarili habang halos matumba at natapilok sa pag kaladkad sa akin kung saan man kami dadalhin.
"Boss, narito na po sila."
Boses 'yun ng lider ng mga kalalakihang dumukot sa amin ni Cianna. Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto kasabay ng paghatak muli sa aking braso.
"Boss, heto na ang anak ni Hernan De Leon. Hindi nga lang namin alam kung sino sa dalawang babaeng ito." Bises ulit ng lider.
"Sino kaya ang boss na tinutukoy nitong lider ng mga kidnappers na 'to? Matabang lalaking may hawak tabako?" hula kung tanong sa aking isipan.
"Walang isang milyon ang perang pambayad nila kaya sinama na namin boss. At isa pa gusto naman din nila kayong makausap."
" Sir, pakiusap naman po. Wala naman kaming ganoon na kalaking halaga para mabayaran kang agad agad." Paki usap ni Cianna tinanggal kasi ang busal sa bibig ko at tinaggal din pala ang kanya.
"Kung ganun, anong gusto ninyong gawin ko kay Hernan? Mabulok sa kulungan o kaya ay patayin ko ?
na lang?" isang baritonong boses ng lalaku ang nagtanong kasabay ng pangingilabot ko sa gusto niyang mangyari kay Tito Hernan?
Kulong o Patayin?
Alin man sa pagpipilian ay wala akong nais piliin. Kahit ganun lamang ang trato sa akin ng mag-ina ni Tito Hernan ay mahal ko pa rin sila. Kaya sa totoo lang ayoko rin silang mapahamak sa kung sino man ang boss na tinatawag ng mga lalaking dumukot sa amin.
"Sir, please po. Wala po talaga kaming maibibigay sayo. Wala po kaming pagkukunan ng pera." Hindi ko na rin napigilan at nakiusap na rin ako.
Wala akong natanggap na tugon sa aking pakiusap.
"Anong gagawin namin sa mga babaeng 'to boss? Ibebenta na ba o ipapasok sa mga negosyo ninyo?"
Nakakapangilabot na tanong ng isa sa mga lalaki.
Anong ibebenta? Ipasok sa negosyo? At anumang klase ng negosyo meron sila?
"Sino sa kanila ang anak ni Hernan?" tanong ng baritono na boses na marahil ay tinutukoy nilang boss.
"Narinig nyo naman siguro ang tanong? Sino sainyo ang anak? Bilisan nyo ang sagot!"
"Bakit anong gagawin nyo sa amin? Maawa naman kayo. magbabayad naman kami." Pagmamakaawa ni Cianna.
"Maawa naman kayo sa amin mga sir o sinuman man kayong tinatawag na boss. Naka ospital na si Tito Hernan dahil sa pambubugbog ninyo." Segunda ko sa pagmamakaawa ni Cianna.
"Tito? Tinawag mong Tito si Hernan, kung ganun ito pa lang may kulay ang buhok ang anak ni Hernan?" tanong ng boses na kung hindi ako nagkakamali ay ang tinutukoy nilang boss.
"Bakit anong gagawin nyo saken? Saan ninyo ko dadalhin?" may takot sa sa pagtatanong ni Cianna
"Huwag ka na ngang maraming tinatanong! "bulyaw ng lider ng mga kalalakihang dumukot sa amin.
"Boss, itong isang babae, anong gagawin namin dito?" tanong naman ng isang boses ng lalaki na malamang ako ang tinutukoy.
Kinakabahan ako sa maaaring tugon ng boss pero mas nag aalala ako para kay Cianna. Anong gagawin nila sa pinsan ko at saan nila dadalhin?
"Pakawalan na 'yan."
"Opo, boss."
At may pumihit sa akin patungo marahil sa labasan.
"Sandali!" pigil ko sa tumulak sa akin at humarap muli sa likuran.
"Pakiusap kung sinuman ka man. Ako na lamang ang kunin ninyo at huwag si Cianna. Pakawalan mo na siya parang awa mo na." Pagmamakaawa ko sa taong hindi ko naman nakikita.
"Ako na lang ang kunin niyo. Marunong akong maglinis ng bahay, maglaba ,magluto at pagsisilbihan ko kayo habang-buhay. Kaya ako na lang ang kunin ninyo maawa kayo sa pinsan ko may mga magulang na nag aalala sa kanya." Pagpapatuloy ko.
"At bakit kailangan mong isakripisyo ang sarili mo para sa kaligtasan ng pinsan mo?" tanong ng tinatawag nilang boss base sa timbre ng boses kaya naman tukoy ko at nararamdaman ko rin na lumapit siya sa aking harapan.
"May mga magulang na naghihintay sa kanyang pag-uwi. Samantalang ako ay wala. Kaya nakikiusap ako sayo boss. Ako na lang ang kunin mo. Pakawalan mo na si Cianna. Sarili ko na lang ang gagawin kung pambayad sa inyo. Kahit anong iutos at ipagawa mo gagawin ko. Hindi ako tututol o magrereklamo." Malungkot kong pagtugon ngunit buo na ang aking desisyon. Nararamdaman ko ang nagkukumahog na tambol ng ang aking dibdib habang hinihintay ang pagtugon mula sa estranghero na lalaki.
Tahimik at walang pagtugon na wari'y pinag aaralan at tinatantya pa ang aking pagsagot ngunit ramdam kung nasa paligid lamang ang kanyang presensya.
Nakakakilabot at nakakakaba.
'Yung tipong mamamatay ka sa isang pagkakamali mo lamang.
Pero anong silbi pa ng matakot ako gayong hindi ko na din alam ang katiyakan ng buhay ko.
"Bihira akong tumugon sa isang pakiusap. Ngunit pag bibigyan kita sa iyong nais." Maya-maya ay sabi niya.
"Pero may nais akung linawin sayo. Habang-buhay ang magiging kontrata ng pagsisilbi mo sa akin." Pagka sabi niya ng kanyang mga kataga ay sinabihan niya rin ang kanyang mga tauhan na pakawalan na si Cianna.
Samut-saring emosyon ang aking nararamdaman ngunit mas higit ang kaligayahan na magiging ligtas ang aking pinsan.
Ngunit nawa ay tumupad sa kanyang salita ang tinutukoy nilang boss na palayain si Cianna.
"Tanggalin ang takip niya sa mga mata." Napakislot pa ako ng marinig ang pautos na boses ng estranghero na boss.
Pabarumbadong hinaklas ng kung sinuman ang telang tumatakip sa aking mga mata.
Unti-unti akong nagmulat .
Sinasanay ko pa ang aking paningin sa liwanag.
At isang lalaki ang ngayon ay nasa aking harapan
Matangkad.
May kalakihan ang pangangatawan.
Mahaba ang buhok na umabot sa kanyang balikat .
Napansin ko ang kanyang matiim na pagtitig.
Ngunit mas umagaw sa aking pansin ang nakakatakot niyang mukha.
Sunog ang kanang bahagi ng pisngi na umabot hanggang sa leeg ngunit hindi ko alam kung hanggang saan ang peklat dahil natatakpan na ng damit ang kanyang kabuuan.
Hindi lamang pala presensya niya ang nakakakilabot dahil pati rin pala ang kanyang kaanyuan.
"Isakay na siya sa sasakyan."
Kinaladkad na ako ng isa sa mga tauhan niya palabas ng kwarto .
"Diyos ko po! Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin. Panatilihin niyong ligtas ang ang aking pinsan maging sina Tito Hernan at Tita Claire." Dalangin ko sa aking isipan habang nagkakadapa-dapa sa paraan ng pag kaladkad sa akin.