"Bigla na lang po kasi siyang humawak ng mahigpit sa akin habang ako may kinukwento ako. Wari pong bigla siyang natakot. Ano po kaya ang ibig sabihin ng naging kilos ng Nanay ko?" Agad akong dumiretso sa ospital upang ipatingin agad si Doña Dorina. Natutuwa ako dahil para bang tumatalab na sa kanya ang mga gamot na iniinom niya. Ngunit mabuti na rin na sa doktor ko na mismo marinig ang kasagutan. "Ganun ba? Maaaring may nabanggit ka na nagpapaalala sa kanya ng isang alaala kung saan nakadama siya ng matinding takot dati. Ngunit hindi ko masasagot kung tuluyan na siyang makakapag salitang muli o gagaling sa kanyang sitwasyon. Basta ipagpatuloy natin ang kanyang gamutan." Paliwanag ng doktora. "Matinding takot? Saan naman nakadama ng matinding takot si Doña Dorina? Hindi pwedeng kay Sir

