DASHIEL. Hindi ako makapaniwala na dahil sa paglalaro lang ng Plants Vs. Zombies nagpupuyat si Shan. She's so childish! That kind of girl is not my type pero pagdating sa kanya parang natutuwa ako. Hayst! Ewan ko kung ano na tong pinagsasabi ko. "Dash, let's start." Habang busy sa kakaisip kay Shan ay hindi ko namalayang naghihintay pala siya sa labas ng kwarto ko. Today she's going to teach me how to do the photoshoot. "Okay... So let's go downstairs" I said before locking her hands with mine. ___________________________________________ Ang ginawa ko lang habang nagtuturo siya ay ang tumitig sa mga expression niya. She's adorable everytime she change her expression. Halatang pinag- aralan niya nga yung modelling dahil alam niya ang bawat expression sa bawat pose na gagawin.

