SHANIKA
Padabog akong bumalik sa kwarto.
Simpleng favor lang naman ’yon eh! Bakit ikinukulong niya ako dito? He’s stupid!
“Tsk! Stupid! I hate you! Cruel! Demon!” sigaw ko dahil sa galit.
“What did you say? Huh? Repeat it!” malamig niyang tanong.
How could he come here? Sinundan niya ba ako?
“You heard it right! Are you deaf?!” sagot ko, puno ng inis.
Bigla niyang hinablot ang mga kamay ko at isinandal ako sa pader.
“You’re testing my patience, Shan!” sigaw niya.
“Let me go! Bitawan mo ako!” pagpupumiglas ko.
“I will let you go this time. But if you dare say those kinds of words again, you’ll die!” mariin niyang sabi bago niya binitawan ang mga kamay ko.
“What are you doing?” tanong ko nang makita kong hinuhubad niya ang damit niya sa harap ko.
“Pulling out my shirt. Why?” sagot niya habang palapit sa akin.
“Stop!” sigaw ko.
“Why should I stop?” tanong niya, patuloy pa rin sa paglapit.
“I said stop!” sabi ko habang nagkikiskisan ang mga ngipin ko.
“I’m going to take a bath! Bakit pinipigilan mo ako?” iritadong sagot niya.
Hindi ko pala namalayang nasa tabi ko lang ang pintuan ng banyo.
“U-uhh… okay,” sabi ko bago dali-daling lumabas ng kwarto.
“Baliw ka talaga! Tanga! Stupid!” bulong ko habang pinapalo ang sarili ko.
Hindi naman kasi agad sinabi na maliligo pala siya.
I decided to watch television at pinagtatiyagaan ko na lang kahit walang kwenta ang palabas, dahil wala naman akong ibang aatupagin dito sa bahay.
Wala man lang siyang yaya na makakausap ko dito, o kahit aso man lang.
“Aalis ka?” tanong ko nang makita ko siyang naka-suit.
Tumango lang siya bilang sagot bago umalis kasama ang bodyguard niya.
Tsk! Suplado!
Pinatay ko ang TV at umakyat ulit sa kwarto.
Anong gagawin ko dito? Wala akong kausap at wala man lang mapaglibangan.
Wala akong kaibigan dahil palagi lang akong nakakulong sa bahay, at kung meron man, they’re just fake friends.
Si Kuya lang ang palagi kong kasama noon, pero hindi na pwede ngayon dahil kasal na siya at may baby na sila. Limang taon na simula nang mag-asawa si Kuya, at obviously, limang taon na rin akong palaging mag-isa. May mga pagkakataon pa nga na ako lang mag-isa ang nagta-travel kung saan-saan.
I had a boyfriend before, at three years kaming nag-date, pero nagulat na lang ako nang makipag-break siya sa akin. The reason why he broke up with me was my dad. Ayaw ni Dad sa kanya kaya palagi siyang pinapa-out of place kapag pumupunta sa bahay, at hindi man lang iniimbitahan sa mga special occasions.
Isa pa, he was a famous model, at ayaw ni Dad na makipagrelasyon ako sa mga kagaya niya. Overprotective si Dad, at minsan ay naiinis talaga ako sa ugali niya.