SHANIKA
It was a tiring day!
Kahit mabigat sa kalooban kong ikasal sa pinakaayaw kong lalaki sa mundo, ay hindi pa rin ako nakapalag.
Before the wedding, ay nai-discuss na agad nila ang mga conditions sa contract marriage na ’to. Ang marriage na ito ang paraan upang makabangon ang company namin. Dahil kasi sa kapabayaan ni Dad, ay muntikan nang bumagsak ang company.
The Phoenix Modelling and Advertising Company is a widely known company in the Philippines, at ang may-ari nito, which is Daniel Alarcon, ay best friend ng father ko, at he helped my father to bring back our company.
Ang kabayaran sa pagbalik ng company ay ang marriage namin ng kanilang kaisa-isang anak na si Dashiel Arce Alarcon.
Bakit kami ang kabayaran?
They think that it would be easier to have a partnership kung may malakas na connection ang bawat pamilya namin. Besides, gusto ng mga Alarcon na magkaroon sila ng kasiguraduhan, kaya ipinakasal kami ni Dashiel para magsilbing commitment ’yon kung ano man ang mangyayari sa gitna ng dalawang company.
The first condition—kung may mangyari mang anomalya, ako ang mananagot at ang magbabayad.
I will become their slave at magiging sunud-sunuran sa mga hakbang na ipapagawa nila.
Kahit ayaw ko, gagawin ko para sa pamilya ko.
I am Shanika Cortez Alarcon, the wife of Dashiel Arce Alarcon.
___________________
“Nasaan ’yung room ko?” tanong ko sa kanya pagkapasok sa bahay niya.
He has his own house, at hindi maikakaila na marangya ang buhay niya.
“You’ll sleep with me,” sabi niya sa malamig na tono.
“What? Ayaw ko!”
How dare him?!
“We’re married now, and you’ll sleep with me.”
“I can’t! Can you just give me another room?!” mariin kong giit.
I was in great shock when he suddenly kissed my lips.
“Stop!” mahina kong sambit sa pagitan ng halik namin.
Itinulak ko siya nang malakas, pero agad niyang hinablot ang mga kamay ko.
“I won’t let you sleep in the other room! Put this in your mind, Shan…” sabi niya sabay turo ng hintuturo niya sa noo ko.
“I’m your husband. This is my house, at ako ang masusunod!”
Tsk! Kaya ayaw ko sa lalaking ’to eh!
He is heartless!
My life would be a mess with him.