Third Person Point of View Magseseven na kaya nakaharap na ang lahat sa bonfire. Kumpleto na rin silang lahat. May mga pagkain din silang hinanda tulad ng barbeque, salad, carbonara at marami pang iba. Magkatabi naman si James at Venus ngayon at sumunod ay sina George, Alex, Casey, Nathan, Mark, Max, Kimmie, Aikun, Mich, Kairi. At masaya silang kumakain sa harap ng bonfire ng maya-maya biglang mamatay ang apoy nito. "Teka anong nangyayari." gagamitin na sana ni Venus ang kanyang night vision ng maalala niyang bawal pala silang gumamit nito ayon sa napagkasunduan. "Ano iyan." tanong ni Venus sa mga ito ng takpan ang kanyang mga mata ng parang blind fold. "Shhh" ito lang ang tanging naging tugon sa kanya at alam niyang boses iyon ni James. Maya-maya ay parang lumayo ito. At parang nar

