[Venus POV] Tumakbo ako agad palabas ng mall. Ginamit ko rin ang vision ko para makita kung sinong may pakana nito. At isang babaeng nakaitim na hood. Hindi maari ito, binabalak niyang gumawa ng tsunami. Kainis mapapahamak ang mga tao. Nang matukoy ko ang tamang lokasyon niya ay agad akong nagteleport. Pagdating ko sa lugar na iyon ay naabutan kong tumatawa ito nang nakakangilo. Bitak bitak narin ang mga lupa. Kailangan ko nang magmadali! pumikit ako at sinubukan ko din isama ang nakahood at ang mga alagad niya. Pero bago ko ginawa iyon ay kinausap ko muna sina Casey at George. "George, Casey ako na bahala dito at kayo na bahala sa mga tao. Ibalik niyo ang mga bagay sa ayos. Gumamit kayo ng spell para doon at burahin niyo din ang memorya nila sa nangyari kanikanina lang. Wag niyo akon

