[Third Person Point of View] Hindi parin alintana ni Venus ang mga nangyayari. Nilalamon na siya nang kanyang galit. At parang wala na din siya sa kanyang katinuan. Nakakalokong ngiti ang nakabakas sa mukha ng babaeng kaharap niya ngayon. Tila ba nagugustuhan nito ang mga nangyayari. Andami na rin ang mga nasira sa paligid pero hindi pa rin niya ito alintana. Nadadala pa rin siya sa kanyang sariling emosyon. Ngunit sa kabilang banda naman ay malaking delubyo ang kinakaharap ng mundo. At konting-konti nalang bibigay na ito at maaring maging katapusan narin ito ng lahat lalo ng mga tao kong mangyayari ito. Halos lahat nang kaibigan ni Venus ay pumunta na rin sa palasyo upang makatulong upang magising ito. Ginagawa na rin lahat ng mga iba pang makapangyarihang elementasya ang kanilang ma

