Chapter 4
John Mark's POV
"Ravenn!!!" tawag ni Joshmar rito at tumingin agad ito sa kanya habang may ngiti sa labi. Napakapit ako ng sobra sa pintuan habang tumitingin sa kanila.
Ito na. Ibibigay na nya yung Dairy Milk ko. Sana walang gawing katarantaduhan si kuya. Matalino naman sya para ibigay nalang ang chocolate ko at wala nang sabihin pang iba. Sana nga ganun lang...
"Bakit?"
"May nagpapabigay sayo" ani Joshmar habang binibigay ang chocolate at box sa kanya. Kinuha iyon ni Raven habang may ngiti at hindi ko mapagilang bigla nalang mamula dahil tinanggap nya ito ng lubusan
"Kanino galing?" ani Raven. Shet Paano yan? Paano kapag nalaman nya na sakin galing yan, mandidiri ito. Paano kapag hindi na nya ko kakausapin hanggang matapos ang taon? Naiimagine ko na ang galit nitong mata habang nakatingin sakin. Paano na kami?? Wait may kami ba? Sabi ko nga, wala
"Ahh si John Mark nagpapabigay nan. Iyun sya oh" Bwisit talaga tong kakambal ko at tinuro pa ko! Agad akong nagtago sa CR at hinawakan ang puso ko. Sarap ibalibag ng kakambal ko pagdating sa bahay. Nagincrease ang paghinga ko habang nafifeel ko sa puso ko na parang sasabog na ito. s**t! Paano kung lumapit sya sakin at ganito ang pakiramdam ko. Isama mo pa yung mata kong parang sinuntok na sa antok.
"Anong ginagawa mo dyan John Mark?" napatingin ako sa nagsalita at nakita si Julianna na nagtataka at parang maluha-luha na ang mata. Nagtaka na rin ako sa itsura nya
"Ohh bat parang iiyak ka?" Tanong ko na may pag-alala. Agad itong humikbi at lumapit na ko sa kanya
"S-si joshmar"
"Oh??"
"Binigyan nya ng chocolate yung kaybigan ko!" sabi nya at lumuha na talaga sya, pero mas nagulat ako ng bigla itong tumakbo at hinabol ko naman sya. What a misunderstanding
Habang tumatakbo ito, hindi ko mapigilang huminga ng malakas sa sobrang bilis nya. Tinry ko itong tawagin.
"Juliana!!"
"Oy!!" Humina na ang takbo nya dahil muntikan na syang matalapid. Napaupo ito at lumakas pa ang iyak nya na halos rinig pa sa malayo dahil malayo pa ko dito. Unti-unti akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito.
"B-bakit kaibigan ko pa?! Di pa ba ko sapat! Bakit di nalang ako?! At kaibigan ko pa" Nagtry itong magsalita pero binigyan ko nalang sya ng panyo at hindi na ko nagtaka ng ipahid nya muna ito sa ilong at wala na kong nagawa kundi umiling nalang. Nice timing ako sa pagbigay ng panyo kundi makikita ko pa ang sipon nito kapag hindi ko yun ginawa.
"Tara John Mark. Tayo nalang. Tutal, kambal naman kayo pati may gusto ka kay Raven tapos ako kay Joshmar" Sabi nya ng makatahan na sya. Napalayo ng konti ang ulo ko sa sinabi nito.
"Hoy! Sakin galing yung Chocolate na yun. Pinapabigay ko lang kasi hindi ko kayang ibigay sa kanya ng personalan. Sinasabi mong tayo nalang?" Tinitigan naman nya ko habang pugto ang mukha. Suminghot ito at parang naluluha na ulit sya, napaatras ako.
"A-akala ko naman nanliligaw na sya haha, susugod sana ako dun ehh" Napangisi ako rito, akala ko yayakapin nya ko. Pinahid nya ang luha nito at kinuskos pa. Yung ilong naman nya ay mamula-mula pa pero tumayo na agad ito at pinagpag ang sarili.
"Oh sya, Pakibigay nalang kay Joshmar kahit medyo piga na" isang letter at chocolate ang binigay nya sakin
"Akala ko naman titigil ka na" Shet, bakit bigla yun lumabas sa bibig ko. Napatingin ako rito na hindi man lang tumingin sakin at sumagot.
"Wala akong balak na tigilan ko si Joshmar. Hobby ko na ata toh" Tumawa naman si Juliana at tinitigan ko naman yung bigay nyang letter at chocolate sakin. Sanaol matapang para araw-araw makapagbigay ng letter at chocolate sa kanya. Kung pinapansin lang ni Kuya ang halaga ni Juliana sa kanya ay mas lalo pa itong kikiligin at magiging masaya
"Pagkatapos ko, yung kakambal ko naman" Tiningnan ko kung sino yung nagsalita
"Kuya, ito--"
"Sino susunod mo, si Clarence? Masarap bang pagisa-isahin mo kami?" Sabi ni Kuya at mukhang galit na tumalikod samin, nagtaka ako rito. Akmang hahabulin na sana sya ni Juliana pero pinigilan ko ito. Maluha nanaman ang mata nya dahil sa sinabi ng Kuya ko, bakit ba sya ganyan sa kanya.
"Ok ka lang?" Walang kwenta kong tanong sa kanya. Napabatok ako sa sariling kong noo at napatingin ako sa kanya ng tumawa ito ng konti
"S-siguro ok nga lang ako noh? Kaya ko pa toh" Sabi nya habang pinapahid ang luha. Napakamot naman ako sa batok. Ano bang magagawa ko sa kanya?
"Dodoblehan ko nalang ang chocolate bukas pati kakausapin ko sya. Sige bye" Kumaway na ito sakin at umalis. Napatingin ako sa likod nito na unti-unti nang lumiliit m.
"Bibigay din yan si Kuya" Sabi ko sa kawalan at nilagay sa bag yung chocolate at letter ni Juliana
"JohnMark" Tumingin ako kung sino yung tumawag sakin at grabe nalang ang gulat ko. Instant pula agad ang pisngi at napatingin sa ibang direksyon
"Raven..."
"Salamat nga pala sa Chocolate at Letter mo. Ang cute!" Sabi nya at ngumiti sya na parang hanggang langit na ang aabutin ko. Ang ganda nya talaga. Ewan ko ba kung deserve ko pa sya kung liligawan ko ito pero kaya ko pa bang ligawan sya ng hindi kakabahan. Pati yung mukha ko, ang isang mukhang anghel na kagaya nya pati ang isang nerd na katulad ko? Tsk, no.
"Walang anuman" sabi ko nalang rito at umiwas ng tingin. Nakikita nya ba ang pagkapula ng pisngi ko? Kung malakas lang ang tunog ng puso ko ay nakakabingi na yung akin nan. t***k kasi ng t***k.
"Ahh bye na may next class pa Tayo" sabi nya at nagsimula na syang maglakad paalis, tiningnan ko ang likuran nitong maganda at ako naman si kaway sa hangin kahit na hindi na ako nito lilingunin. Nababaliw na ata ako dahil sa kanya, matatanggap ko naman.
Joshmar's POV
"Bakit daw absent si Clarence?" Tanong ni John Mark pagkapasok ng bahay
"Ewan" Sabi ko habang nakain na nang popcorn at nanonood ng netflix
"Oh. Dodoblehin daw ni Juliana ang chocolates mo bukas. Kung ako sayo, binibigyan ko na nang pansin ang tao"
"Hayaan mo sya" Tinitigan ko ang letter at chocolate na binigay sakin ni John Mark. Actually, iniisip ko parin kung bat ko sya nakitang umiiyak. Bakit di nya ko hinabol para makipag-usap? Si John Mark na ba ang habol nya? Siguro kasi nagsawa na sakin. Mas maganda mangyari yun.
"Di mo tatapon?" Tanong nito sakin na parang may hinihintay na mangyari ang araw-araw na routine namin. Agad ko namang shinoot ulit sa basurahan ang bagay na yun sabay subo ng popcorn
"Ano pa bang aasahan ko. Na kakainin mo yung chocolate"
"Pinapag-excercise nyo ko tapos papatabain?"
"Diet ka? Noted" Napabuntong hininga nalang ako at umiling. Sinundan ng mata ko ang paa nyang papaakyat na at nang marinig kong nagsara na ang pintuan nito. Dali dali akong tumayo at pumuntang basurahan. Kinuha ko yung letter at chocolate tsaka tumaas ng mabilis.
"Ang haba!" Sabi ko sa kawalan habang tinitingnan ang letter na gawa sakin ni Juliana. Halatang pinaghirapan gawin toh ng babaeng yun kasi yung dulo ng letter nasa sahig na. Bali kasing height ko na ang haba ng letter. Sa haba ng letter na ito. Bukas ko pa toh matatapos basahin o sa pangatlong araw. Napalabas ako ng hininga.
To: Harina
Binasa ko ang letter ng isang gabi. Kahit na nonsense lang yung nasa letter. Umiiling nalang ako habang binabasa. She likes me. She always says that pero di ko kayang targetin sya pagdating sa datings. Siguro dahil kaibigan toh ni John Mark kaya di ko masaktan
Pero bat sya umiyak kanina?
Umakyat ako ng kwarto dala ang chocolate at letter ni babaita
Binuksan ko ang cabinet ko at may nilabas na box
"78 dairy milk at dalawang tatlong twix" Nilagay ko na dun ang chocolate ko pati na din ang letter. Di ko naman talaga tinatapon ang mga chocolates na binibigay nya. Minsan oo, pero binabalikan ko yun para kunin ko at ilagay sa box na toh kahit na nasa basurahan pa
"Once na tumigil na sya sa paghahabol sakin, ibabalik ko nalang toh sa kanya" Sabi ko sa kawalan at nilagay ulit ang box sa loob ng cabinet
Narinig ko namang may nagdoorbell sa pintuan namin kaya bumaba ako sa bahay
"Grabe yung busog ko pre!" Sabi ni Clarence na parang feeling at home sya habang hinihingal pa. Dumighal pa ito ng malakas na ikinatitig ko sa kaibigan
"San ka nagpunta? Bat ka absent?"
"Dyan dyan lang sa cafes"
"Ginawa mo dun?" Tanong ni John Mark na kabababa lang
"Wala, Nagcafe to cafe lang. May hinahanap kasi ako" Tumayo naman sya at kumuha ng tubig. Yung babae bang nasa picture yun. Bat nya hinahanap si Candy?
"Ah" Sabi ko nalang at umupo sa sofa. Hinintay ko sya dun habang tinagay nya ang tubig namin.
"Si Candy ba yung hinahanap mo?" Tanong ni John Mark na nagpabuga ng iniinom nito ng marinig ni Clarence ang pangalan. May alam din pala sya
"P-pano mo nalaman?" Maubo-ubong tanong ni Clarence
"Tinanong kasi sakin ni Juliana kanina kung bat mo hinahanap si Candy. Sabi ko, di ko alam"
Juliana
Magrereact na sana ako at magtatanong kung kailan sila nagusap pero kamuntikan ko nang makalimutan na magkaseatmate pala yung dalawa.
"Bakit mo ba sya hinahanap? Nagaya ka na ba sakin?" Tanong ko kay Clarence
"Hindi ako gagaya sayo! Sadyang may kailangan lang ako sa kanya" Kumibit balikat nalang ako. Kung hindi nya paglalaruan si Candy edi seseryosohin nya ito? Kailan naman nya naisip na makipagjowa na sa babae?Pano nya nakilala si Candy kung hindi ito napasok?
"Tataas na ko. Lock mo yung gate" Sabi ni John Mark at tumaas na
"Di ka naman aabsent sa walang kwentang dahilan. Its either your up to something or she's someone special to you. Anong relasyon nyo?"
"H-huh?"
"Kayo ba nun, ni Candy?"