Matiwasay na nakarating sa condo ni Bryan ang dalawa. Nakapasok narin silang dalawa sa loob. Gusto mang piliting tumakas ni Georgina kay Bryan ngunit hindi nito magawa. Hindi alam ni Georgina kong bakit tila pinipigilan din siya ng sarili niya na gawin ang kanyang gusto. Nahihirapan siya at para bang sinasabi din ng kanyang puso na manatili siya sa tabi nito. "Ngayon nandito na tayo sa condo mo, anong pag uuspan natin? Sabihin mo na agad sa akin ng sa ganun ay makakaalis na ako dito". Maya-maya sambit ni Georgina dahil napansin nito na para bang walang balak magsalita ni Bryan. "Magpahinga ka muna, alam kong inaantok kapa. Gigisingin nalang k_ Hindi na naituloy ni Bryan ang kanyang sasabihin ng bigla siyang pigilan ni Georgina sa pagsasalita nito. "Pwede ba Bryan? Wag mong gawing biro

