HABANG nagyakapan ang tatlo ay May narinig silang yabag mula sa likuran ni Georgina. Bumitiw sa pagyakap si Georgina sa lolo at lola nya saka nilingon ang taong nasa likuran nya. Nilapitan niya ito at inaya palapit sa kanyang lola at lolo. Hawak kamay silang humarap sa lolo at lola ni Georgina. "Lo, La," panimula ni Georgina Samantalang naghintay naman ang dalawang matanda sa sunod nitong sasabihin. "Si Bryan po, b-boyfriend ko". pagpapakilala ni Georgina sa kanyang mahal na boyfriend. "Pumasok muna kayo sa loob, dito na tayo mag-usap". seryosong sambit ni Lola Angelina. Nagtinginan naman ang dalawa at batid nilang dalawa na kinakabahan sila lalo na sa paraan ng pagsasalita ng lola ni Georgina at pagtitig ng kanyang lolo sa kanilang dalawa. Mabilis na sinara ng matanda ang pinto n

