Bumalik si Georgina sa Misa kong saan naghihintay sa kanya ang mga magulang. Masama ang loob niya sa ginawa ni Bryan lalo na sa mga nasabi nito sa kanya. Muntik na siyang naniwala dito na talagang pananagutan na siya, iyon pala huhusgahan padin siya ng lalaking iyon. "Oh bakit masama ata timpla ng mukha mo anak?" sambit ng Ina ng mapansing tila nakabusangot ang kanyang mukha "W-wala mommy, medyo sumasakit lang kasi ang puson ko. Parating na kasi ata ang dalaw ko". pagsisinungaling niya sa Ina. "Kailangan mo ba ng tulong? hihingi ako ng warm water dito para lagyan natin iyan ng towel na May maligamgam na tubig". anang ina na halatang nag woworry sa kanya "Ayos lang mommy, mamaya lang ay mawawala na po ito". aniya Nagpaalam si Georgina sa mga magulang na hihingi muna ng tubig para mai

