MAAGANG nagising si Georgina kinabukasan, dahil 5am ang flight niya patungong London. 3am ay gising na siya. Naligo na siya at naghanda sa kanyang pag-alis. Saktong 3:30 ng umaga ng sya ay makababa sa sala nila, naroon na ang kanyang mga magulang na naghihintay sa kanya. "mag-almusal ka muna anak para naman bago ang flight mo busog Ka, maaga pa naman". anang Ina "Sige po mommy," tugon niya dito. Sabay na silang tumungo sa hapag kainan at kanya-kanya na sila ng sandok ng kanilang mga pagkain. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ulit si Georgina. "Mom dad, Nga po pala next week pa po makakapunta dito ang bagong driver at bantay natin sa bahay. kasama po ang asawa pwede po natin silang maging katuwang dito sa bahay. Nakausap at nagkasundo na po kami. Pero hindi po nila alam na hindi nila m

