CHAPTER 9
HAPON na ng magkita sina Bryan at Georgina.
Naiinis sa kanya ang binata dahil sa pag takas nito sa kanya kaninang umaga. May gagawin sana ito na iniuutos ni Bryan kaso para itong si flash na bigla nalang nawala.
Ganoon din si ginoong Bryle na kanina pa siya hinahanap dahil May itatanong din sana ito tungkol sa kanyang trabaho.
Dito lang pala nila maabutan sa lobby ang dalaga tila hinihintay talaga silang mag-ama.
"Uuwi na po ba tayo sir?" Tanong ni Georgina ng makita niyang magkasabay na bumaba ang dalawa mula sa taas. Uwian na kasi ng mga oras na iyon
"Uuwi na tayo, ikaw na ulit bahala kay Bryan at May sarili naman akong kotse. After niyang antayin moko sa bahay bago ka umuwi sa inyo maari ba?" Bilin sa kanya ni ginoong Bryle
"Wala pong problema sir. Sige po aalis na kami". Paalam ni Georgina sa ama ni Bryan.
Si Bryan naman ngayon ang hinarap nito, nakataas ang mga kilay nito sa kanya at talagang nababasa niya na naiinis ito sa kanya.
"Anong tingin naman yan? Para mo na akong lalamunin ah". Nakangising sambit ni Georgina sa kanya
"Sinong hindi maiinis ilang oras kitang inaantay sa taas kasi May ipapagawa ako sa'yo, pero hindi ka dumating "! Inis na turan nito
"Bakit naman sir? Di naman ata kasama sa trabaho ko ang ipapagawa mo sakin? Ang trabaho ko lang bantayan ka at maging driver mo. Ang trabaho mo sa loob di ko na po trabaho iyon." Reklamo naman ni Georgina
"Akala ko ba sa lahat ng oras babantayan Moko? Diba dapat nasa tabi kita palagi? Paano kong May mangyaring masama sakin e wala ka? Sige nga". Ani Bryan
Nagtaka naman si Georgina kong bakit iyon nasabi ni Bryan. Ni halos ayaw nga nitong mag dikit silang dalawa.
"Teka nga bakit parang iba na yang sinasabi mo? Hindi ba't ayaw na ayaw mong magkakalapit tayo? Bakit tila ngayon gusto mo nasa tabi mo lang ako?" Ani Georgina
"Ako ang boss mo, si daddy lang nagpapasahod sayo, kaya mula ngayon ako Ang sundin mo dahil sakin ka May trabaho. Kayang-kaya ko ding ibigay ang sahod na binibigay ni daddy sayo." Anito na tila nagyabang pa
"Ay daming daldal tara na at umuwi na tayo. Kailangan ko pang umuwi sa bahay". Ani Georgina
Pumasok sa loob ng kotse ang dalawa, gaya ng inaasahan si Georgina na ang nag drive.
Matiwasay ng mga oras na iyon sa kalsada wala gaanong traffic dahil 5pm palang naman.
Ilang sandali pa ay May nakikita sila sa kanilang unahan na tila nagkakagulo ba mga tao. Walang pakialam noon si Bryan dahil busy ito sa kanyang celphone.
Habang si Georgina naman ay di mapakali hanggang sa May nakita siyang isang ginang na umiiyak sa gilid.
Pansamantalang bumaba si Georgina para tanungin kong ano ang problema
"Huy saan ka pupunta nasa gitna tayo ng daan". Sita sa kanya ni Bryan ng makababa siya
Pero di niya iyon sinagot at tuloy-tuloy lang sa paglabas.
"Lola pwede magtanong? Ano Ho ang nangyari?" Tanong ni Georgina dito
"Y-yung bag ko dinulot Nong isang mama, pambili ko iyon ng gamot ng apo ko. Iyon lang lahat meron ako". Naiiyak na sagot ng matanda sa kanya.
Naawa si Georgina sa matanda kaya kanya itong tinulungan.
"Lola saan na ang magnanakaw!" Tanong ni Georgina dito
"Tumakbo siya doon sa kanan wala manlang nag aksayang tulongan ako, sino ba naman ako". Anang ginang
"Pangako lola ibabalik ko ang bag nyo dito, wag kayo mag-alala.
Nagpalinga-linga si Georgina sa unahan bandang kanan, May nakita siyang tumatakbong lalaki na tila May dala-dalang bag. Pasirko sirko ang takbo nito at tila nakipag unahan pa sa mga sasakyan.
Kong tatakbo siya hindi niya iyon maabutan.
May nakita siyang isang lalaki na May dalang motorsiklo, dahil naka stop ng mga oras na iyon ay pinilit niya itong bumaba. Ayaw ibigay ng binata ang motor niya, kaya wala ng inaksayang oras si Georgina at umupo sa unahang bahagi ng motor.
"Hiramin ko saglit pero pwede kang sumama, siguraduhin mo lang na nakakapit ka ng mahigpit dahil kong hindi baka mahulog ka". Ani Georgina sa gulat na gulat na lalaki
"Teka sandali--
Hindi na natuloy ng lalaki ang kanyang sasabihin dahil pinaandar na ni Georgina ng mabilis ang motor nito. Muntikan pa mahulog ang lalaki mabuti nalang nakakapit ito kaagad.
"Saan mo ba dadalhin ang motor ko huhu dahan-dahan naman miss". Anang lalaki
Pero hindi nakikinig si Georgina dito bagkos nakatuon ang attention niya sa lalaking tumatakbo medyo malayo na sa kanila.
Samantala nakita naman ni Bryan ang ginawang pagsakay ni Georgina sa motor Nong di kilalang tao, nagulat pa si Bryan dahil tila sana'y na sanay ito magpatakbo ng motor.
Hindi alam ni Bryan kong bakit iyon ginawa ni Georgina. Basta ang alam niya lang wala siyang pakialam uuwi siya at iiwan ang babae. Mas mabuti iyon dahil makikipag kita siya ngayon sa mga babae niya na walang sagabal na bantay.
Pinaandar na nito ang kotse palayo sa lugar na iyon.
"Miss ano ba talaga ang plano mo ha." Maya maya tanong ulit ng lalaki sa kanya
"Pwede ba tumahimik ka muna. Mamaya Kana magtanong at kailangan kong mahuli ang magnanakaw na iyon." Sita sa kanya ni Georgin...natahimik naman ang lalaki at sumunod nalang sa agos
Nagawa pa nitong ediscribe ang babaeng May dala ng kanyang motor, sexy ito habang nakatalikod pero sa mukha d niya gaanong nagtitigan pero alam niyang maganda din ang babae.
"Kumapit ka ng mahigpit binilisan ko pa dahil malapit na ang taong hinahabol nila.
Maraming tao ang nakatingin sa kanila na akala ng mga ito ay nagmamadali lang sa magtatakbo ng motor di nila alam na May hinahabol silang masamang tao.
"Palit tayo ng pwesto, bilisan mo". Ani Georgina
"Ano? Paanong palit?" Takang tanong ng binata
"Ikaw mag drive ako sa likod mo, bilisan mo ang kilos dahil tatalon ako kapag malapit na ang lalaki". Ani Georgina
"Anoooo?" Hindi alam ng lalaki kong ano ang gagawin, habang lumipat sa kanya ang dalagang si Georgina ay nag slow motion ang dating sa kanya, nagtitigan niya rin sa wakas ang dalaga at tila nakaramdam din siya ng kakaiba sa kanyang puso. Tumibok ito.
"Bilisan mo". Ani Georgina
"O-opo". Nauutal na sagot ng binata
Nakikita Nadin ng lalaki ang tumatakbong magnanakaw. Malapit na ito sa kanila.
"Sige ilapit mo paaaa". Utos ni Georgina sa kanya
"Sure kaba sa gagawin mo? Baka napano ka miss". Tila walang tiwalang sagot ng binata sa kanya
"Mag maneho ka lang dyan". Ani Georgina
Sa wakas maabutan na nila ang magnanakaw
"Hoy tumigil ka"! Sigaw ni Georgina sa kanya. Dahil sa sinabi nito ay napatingin sa kanila ang magnanakaw. Mas binilisan nito ang pagtakbo, pero naunahan siya ni Georgina. Mabilis na tumatayo ang dalaga at patalong lumondag sa lalaki. Nadaganan nya ito at walang pasabing binigyan ng isang suntok.
Lumaban ang lalaki pero hindi siya binigyan ni Georgina ng isang pagkakataon na makalaban sa kanya.
Muli niya itong sinuntok at dinaganan. Tumulong Nadin ang lalaking nagmamaneho ng motor at tinulungan sya. Kinuha ni Georgina ang bag sa lalaki.
Ngayon hawak na ng mga traffic enforcer ang magnanakaw, sila nadaw bahalang magdala sa police.
"Bumalik si Georgina sa pwesto ng matandang ale kanina, kasama padin nito ang binata.
Umiiyak padin ang ale sa isang tabi.
"Lola". Masayang bigkas ni Georgina
Tumingin sa kanya ang matanda at kumidlat ang mga mata nitong ng mapansing hawak ni Georgina ang kanyang bag.
Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap sya.
"Ito na ang bag mo lola, makakauwi Kana po". Ani Georgina
"Maraming salamat hija, hindi ko alam kong paano mo ito nakuha pero salamat talaga ". Mangiyak-ngiyak na sambit ng matandang ginang sa kanya
"Wala man iyon lola. Sana po gumaling na agad ang apo ninyo." Nakangiting turan nya dito
Sumakay na sa taxi ang matanda, binayaran Nadin ni Georgina ang pamasahe nito para makarating ang matanda sa mismong location nya ng ligtas.
Samantala hinahanap ni Georgina ang kotse ng boss nya, wala na ito doon. Malamang iniwan na siya kaya wala siyang choice kong hindimag commute pauwi sa bahay ng amo nya, bago sya uuwi sa kanila.
Sasakay na sana sya sa dadaang bus ng marinig nyang nagsalita ang lalaking inagawan niya ng motor.
"So ganon-ganon nalang iyon? Matapos mokong gamitin at pagurin kami nang prinsesa ko tatakasan mo lang ako?" Anang binata
Dumukot ng pera si Georgina sa bulsa nya para iabot dito pero tumaas lang ang kilay nito dahil di tinanggap ng lalaki ang bayad nya
"Hindi pera ang kailangan ko". Aniya
"Ano naman?" Curious na tanong ni Georgina sa kanya
"Total pinasok mo Nadin naman ang sarili mo sa mundo ko, para quits tayo tulongan mo din ako". Anang binata
"Tulong?"
"Oo, magpanggap kang girlfriend ko". Anito
Laglag panga si Georgina sa narinig.
Sakit na nga sa ulo ang boss nya, ito May dumagdag nanaman.