Bumaba ng Taxi si Cheska ng mga sandaling iyon, hindi siya makapaniwala na malaki ang bahay nila Georgina. Nagtataka siya kong bakit tila mas mayaman pa ito kesa sa kanila? Kong totoosin mas malaki itong bahay nila Georgina kesa sa kanila. Ayaw aminin ni Cheska sa sarili niya pero lalo lamang siyang nakaramdam ng inis at galit kay Georgina's. Nakuha na nga daw nito ang puso ng taong mahal niya, pati pa naman sa buhay nakaluwag ito sa kanya. "Hindi sigurado akong hindi sa kanila ang bahay na ito. Baka bahay ito ng amo ng nanay niya. Mahirap lang sila at halata naman sa kilos ng babaetang iyon, wala siya kumpara sa akin." inis na bulong ni Cheska sa kanyang sarili. Umalis na siya sa lugar na iyon at umuwi sa condo niya. Doon nito iisipin ang sunod niyang plano. Basta gagawin nya lahat

