CHAPTER TWENTY-SEVEN – HIS CONFESSION “Mark? Irvin? Anong ginagawa niyo rito?” Hindi niya napigilan ang sariling tumayo at salubungin ang mga ito. “Are you okay?” Are you hurt?” agad na tanong ni Mark sa kanya. Halata sa mukha nito ang pag-alala. “Okay lang ako—“ Hindi siya nakahuma nang bigla na lang siyang yakapin ni Irvin ng mahigpit. Halos lahat ng nasa office ng Dean nila ay napanganga sa ginagawa nitong pagyakap sa kanya. “I heard that some b***h pulled your hair in the library? Where’s that b***h, huh?” Tanong nito matapos siyang yakapin. Exagerrated na tiningnan nito ang mukha niya pati braso at kamay. Tinapakan niya ng malakas ang paa nito pero hindi pa rin ito tumigil. “Tell me, who’s that b***h?” “Tumahimik ka bago ko pa lagyan ng tape ang bibig mo.” pabulong na sabi ni

