CHAPTER THIRTEEN- MARDIGO ISLAND Mardigo- An island. A paradise. Heaven. Ang probinsya ni Aling Susan ay isa palang maliit na isla. Wala siyang nakikitang kahit isang mataas na building. Lahat ng mga tao ay nakangiti at binabati ang isa’t-isa. May mga bulaklak rin na nagkalat sa paligid at ang hangin- ang sariwa. Pakiramdam niya ay wala siyang nalalanghap na kahit anong polusyon. Feeling niya tuloy ay sobrang linis ng baga niya. “Ang ganda!” iyon yata ang unang salita na lumabas sa bibig niya mula kagabi. Kababa lang nila sa barko at kasalukuyang naglalakad papuntang terminal ng motor. Iyon lang kasi ang pwedeng sakyan nila papuntang barangay nina Aling Susan. “Talagang maganda ang lugar na ito, Janine. Naku, kahit ilang taon akong nawala ay ganoon

