CHAPTER NINE- Let's Measure the Time Through the Sun “Hey, Janine.” tinatamad na nilingon niya ito. Sanay na siyang tinatawag siya nito sa kanyang pangalan. Meron na lang silang one week para mag ensayo. Ilang araw na lang ay hinihintay na niyang competition at halos ibuhos niya lahat ma perfect lang ang kanyang ginagawa. “Oh?” “Lemme teach you something. Come here.” hinila siya nito sa pinaka gilid na bahagi ng Solis. Hapon na kaya hindi na mainit ang araw na papalubog na ito. Nagkalat ang naghalong kulay dilaw, pula at kahel sa kalangitan na mas lalong nagpapadagdag sa masining na tanawin na kitang-kita mula sa kanilang kinatatayuan. Isa ito sa dahilan kung bakit gustong-gusto niya ang pagsikat o paglubog ng araw, gumagaan ang kanyang pakiramdam, nakakawala ng bigat sa loob. Ka

