Kabanata 20

1105 Words

“Nelson, ginagawa mo?” Gigil na tanong ni Dorry, at itutulak sana ako, pero pinigil ko. Mas hinapit ko pa siya palapit sa akin, at ngayon nga ay binabaon ko na ang mukha ko sa leeg niya. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako!” “Shhh...” Pinigil ko na naman ang pagsasalita niya. Nilapat ko rin ang hintuturo ko sa labi niya na agad naman niyang hinawakan at pabalibag na binitiwan at ngayon ay nilingon na ako. “Sira-ulo ka talaga!” “ ‘Wag ka ngang maingay...aww..."” Daing na naman ang tumapos sa pagsasalita ko. Napabitiw rin ako sa kanya kahit ayaw ko sana. Hinaplos-haplos ko kasi ang sikmura kong kumikirot. Malakas na siko kasi ang natanggap ko mula rito kay Dorry, hindi man lang niya hinayaan na matapos ang pagsasalita ko. Gumagawa pa nga ako ng paraan, manatili lang siya sa mga bisig ko. Kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD