Para kaming dumikit sa pader ng hospital. Pinipigil ang hininga habang tanaw ang nagkakagulong mga tao sa area kung saan nagmula ang galit na boses kanina, na napatigil sa paghakbang namin. Sa lakas ng boses ng lalaki kanina, akala ko, kami ang nakita nila. Akala ko katapusan na naming lahat na hindi ko man lang nakita si Dorry. Pero naisip ko rin, na baka kapag nawala ako, matutuwa siya, kasi wala na ang pasakit sa buhay niya. “Nelson, move," bulong ni Vianna May. Bahagya niya ring niyugyog ang kamay ko na hawak niya. Hindi ako sumagot, pero nagsimula naman akong kumilos. Pilit inaaninag ang mga bodyguard na nasa unahan ko. Malapit na kami makalabas nitong hallway mula sa kwarto. May naaninag na kaming liwanag mula sa mga ilaw sa labas. Pero nag-senyas muna ang bodyguard na umatras

