Nag set-up kami ng simpleng dinner date lang sa room. Syempre dahil maarti ako ay lumabas ako kanina habang na-iidlip siya para bumili nang ilang gamit kagaya nang scented candles na magagamit ko para sa surprise ko sa kaniya. Bumaba muna siya sandali para i-follow up 'yung food namin, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para i-set up ang table. I want everything to be perfect, i want it to be memorable. Gusto kong i-celebrate ang bawat milestones sa relasyon naming dalawa sa pinaka masya at pinaka memorable na paraan. Sinindihan ko ang scented candles at tinignan muli ang table. Okay na lahat, pinicturan ko muna tapos ay inantay siya na bumalik. 'Di rin naman siya ganoon katagal kaya maya-maya lang ay bumalik na rin agad. "Happy monthsary, Love." Bati ko nang makapasok siya, namamangh

