Chapter 27: Inalog niya ang laman ng kupitang hawak niya habang nakangisi siyang nagmamasaid sa pagkakalat ni Lila sa gitna ng maraming tao. Umasal probinsiyana na kasi ang babae dahil sa droga na nilagay ni Marky sa inumin nito. Tinaas ng babae ang mga kamay nito na ang isa ay hawak pa ang kupita habang sumasayaw-sayaw. “Hindi ba ay kasiyahan ito?! Bakit hindi kayo sumasayaw?! Sumayaw tayo! Tantantaran! Taran! Tarantaran!” Kahit sino na lang ang pinaparesan ng babae. Sa hinhin at inosenteng mukha nito ay alam ni Celine na alak na may droga ang makakapagpalabas ng kalikutan nito. Kaya ay iyon ang sinabi niya kay Marky na gawin. “Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay ako na ang bahala sa kaniya?” natatawang sabi ni Marky na nasa tabi niya. “Look at her. She’s a mess, Miss Celine!” hagikgik n

