Chapter 29: “Diyos ko! N-Nasaan ako?!” Umahon siya mula sa malapad at malambot na kama nang siya ay nagkamalay. Medyo masakit ang ulo at buong katawan niya buhat sa rason na hindi niya maalala. “Ano ang nangyari?” tanong niya sa sarili, sabay niligaw ang tingin sa loob ng silid kung saan siya naroroon. “K-Kaninong kuwarto ito? Nasaang bahay ako?” Hindi maubos-ubos ang kaniyang mga tanong. Siya ay nag-aalala dahil hindi man lang siya pamilyar sa hitsura ng silid na ito. Hindi ito ang guest room sa mansiyon ng Amo niya, hindi rin ito silid ni Ryllander, at lalong hindi ito ang hitsura ng silid ng isang hotel. Sapilitan siyang bumaba mula sa kama kahit na nais niyang maupo pa at bawiin ang lakas bago tumayo. Ang salamin mula sa ‘di kalayuan ang una niyang pinuntahan. Ganoon na lamang

