Chapter 10: Sibuyas, Luya, paminta at karots ang sinahog niya sa lugaw na hinanda niya paa sa Amo niyang mataas ang lagnat. Tumingin siya sa orasan sa ibabaw ng lababo, tumuro ang mahabang galamay nito sa numero 1. Kaya pala ay nag-aantok na siya dahil ilang oras na lang ang nalalabi ay titilaok na ang mga tandang na alaga ng Amo niya. Halos masarado na ang talukap ng kaniyang mga mata subalit nagsumige pa rin siya sa paglulugay ng lugaw. “Lila, bakit gising ka pa?” Lumingon siya kay Lordes at pinilit na ngumiti kahit pagod siya at naaantok na talaga. Lumapit sa kaniya ang Ginang at sinilip ang laman ng kaldero. “Nagutom ka ba, Lila? May mga pagkain pa naman sa ref. Puwede mong initin sa oven ang mga iyon. Pinagod mo pa ang sarili mo na magluto ng lugaw. Hindi ka rin mabubusog niyan

