Chapter 12: Hindi natuloy ang pagpapadala niya ng pera sa probinsiya. Buong araw siyang wala sa sarili buhat nang paulit-ulit niyang naririnig ang bawat putok ng baril kanina, nakikita niya sa kaniyang isipan ang bawat pagtilapon ng mga taong binaril ng amo niya at ang pagsabog ng sasakyan ng mga taong sa tingin niya ay katunggali ni Ryllander. Hindi rin natuloy sa pakikipagkita ang Amo niya sa kung sino mang sinabi nitong importanteng tao na kakausapin niya sa araw na ito. Tumuloy sila sa gusali ng kompanya ni Ryllander at dinala siya ng lalaki sa opisina nito. Malayo na rin kasi kung babalik sila sa mansiyon kanina, kaya’y nagdesisyon ang Amo niyang dumiretso na lang sa opisina nito. Paminsan-minsan niyang sinusulyapan ang Amo niyang para bang wala lang rito ang ginawa. Pumatay ito ng

