Chapter 34: Patuloy sa pagkukuwento ang kaniyang Amo tungkol sa pagmamahal nito kay Celine noong nasa isang masayang relasyon sila. Inakala raw nito ay hindi na matatapos pa ang lahat sa kanilang dalawa ni Celine. “Akala ko nga noon na ang pag-ibig ang masama, pero nang matagpi-tagpi ko ang lahat ay napagtanto ko na ang sarap sa pakiramdam kung ang paligid ay puno ng pag-ibig. Sadyang may mga tao lang na hindi marunong magpahalaga rito, inabuso ang pag-ibig na binibigay ng mga taong totoong nagmamahal, at inalipin ang mga pusong marurupok. But I leaned my lesson.” “Hindi mo na ba siya binigyan ng pagkakataon, Sir? Hinahabol ka niya ngayon. Kung mahal mo pa siya ay huwag mo sayangin ang pagkakataon na naghahabol siya sa iyo at umaasam ng kapatawaran mo.” Kirot ang naramdaman ng puso n

