Chapter 21

1819 Words

Chapter 21: Ang akala niya ay wala na silang pupuntahan pa ng Amo niya. Subalit kinabukasan ay dinala siya nito sa isang pamilihan ng sikat na local brand ng mga sapatos. Sumunod siya sa Amo niya dahil wala siyang alam sa mga bagay na ito. Kahit na babae siya ay hindi siya mahilig sa mga mamahaling sapatos o kahit na ano pa mang bagay na alam niyang gagastusan ng malaking halaga ng pera. Simple lang naman ang buhay niya sa probinsiya. Sanay na rin siyang sumalo ng mga pinaglumaan ng mga kapitbahay niya kaya ay hindi mahalaga sa kaniya ang pangalan ng mga pang-sapin sa paa. Basta’t mayroon lang siyang maisusuot ay okay na iyon para sa kaniya. “Sir, kahit isang pares lang ho ang bilhin niyo. Ibawas mo na lang din sa suweldo ko nang paunti-unti,” aniya. “Puwede rin naman po na sa dibisor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD