Chapter Nine Karena's POV Kahit labag sa kalooban ko ay sumama ako sa kanya. Kakain lang naman sa labas at mag-uusap daw. Pinagbigyan ko na dahil sa sinabi niya kanina na lalayuan niya ako pagkatapos kong makinig. "Anong gusto mo?" masayang tanong niya. "Umuwi" sagot ko. Inirapan ko siya at inabot ang menu sa lamesa. Nakangiti pa rin siya kahit tinatarayan ko siya lagi. "Excited ka naman, kumain na muna tayo." inabot niya rin ang menu sa harap niya. Nagpalinga linga ako dahil pinagmamasdan kong mabuti ang kabuuan ng lugar. Maya maya pa ay lumapit sa amin ang waiter at kinuha ang order namin. "The best ang foods nila dito" pagsisimula niya. Napatingin ako sa kanya at sinimangutan. "Oh tapos?" pagbabara ko. Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya ay nanggagalaiti ako. "Ba't ba

