Chapter 92

1059 Words

Lumakas na nga ang ulan. Kami ni Henri ay nanatili na lang sa kwarto niya at sinubukan na tawagin si Ara. Pareho kaming kinakabahan dahil umabot na kami sa puntong ang Kuya Ariston nito ang tinanong namin. Nasungitan pa nga si Henri at nabulyawan pa. Sinisisi nito si Henri kung ano ang mga nagigign desisyon ngayon ni Arazella. Napabuntong hininga ako na nasabayan naman ni Henrietta. Nakahiga ako sa kama at ganoon rin siya, pareho namin hawak ang mga cellphone namin at hinihintay na tumawag si Ara. "I hope she's okay," I said. Ang pag-aalala at kaba ko at hindi nawawala. Hindi naman kasi ganito ang kaibigan namin na iyon. Saka kung may problema ay kaagad na nagsasabi. Ito ang unang beses na bigla na lang siyang nawala na kahit sa akin na lang ay wala siyang kahit isang salita na iniwan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD