Altheo's not drunk, I'm already convinced but why is he being so... clingy right now? ang dami na namin napag-usapan, marami na akong nasabi at ganoon na rin siya pero ang lahat ng iyon ay tungkol sa mga nakalipas na mga araw nang umalis ako. And what also happened when he met Kuya Sancho. Sa isang oras na tingin kong nakalipas, hindi pa rin namin nabubuksan ang usapan kung saan at ano ang pinagmulan ng pagsisinungaling niya. I was feeling him, actually. Habang pinapakiramdaman ko siya at kausap ko, pinapakiramdaman ko rin ang sarili ko. Even after I saw and heard he lied to me, the feeling of still wanting him in my life ignites. Katangahan para sa ibang makakaalam pero ito talaga ang nararamdaman ko. Maybe, this is how I love, that even I know he's lying I am willing to give him a chan

