Akala ko ay magmamatigas pa ang babae bago kami makaakyat ni Altheo sa silid niya pero nagmartsa na ito palabas na sinundan naman ni Jio. My eyes also watch her as she went out of the house. Sana ay masiguro ni Jio na hindi lang lalabas ng bahay ang babaeng iyon kung hindi ang makaalis dito sa Karmona. "That's why you were not answering my calls and messages because you will surprise me." Napasinghap ako at napakapit sa mga kamay ni Altheo na nakayakap sa baywang ko nang humigpit iyon at simulan niyang halik-halikan ang aking leeg. Ang kaninang malamig na boses niya na puno ng pagbabanta ay ngayon nanlalambing na sa akin. Ang bilis lang rin talaga magbago ng mood nito, eh. "Bakit? ayaw mo?" I asked. I tried to remove his hands para makaharap ako sa kaniya pero ang higpit pa rin ng kapi

