"Sinabi ko na kasi na matulog ka ng maaga kasi nga maagang darating yung sasakyan natin pauwi. Hay naku, Cena!" We are already in the car at nakapagpaalam na rin kami kay Arazella nang walang tigil akong sinesermunan ni Henri. Napabuntong hininga ako at sinulyapan siya na katabi ko lang rin. Salubong ang mga kilay niya at nakatuon ang mga mata sa screen ng kaniyang cellphone. "I'm sorry," bulong ko. "Hindi ka tuloy nakapag-breakfast. Dumaan na lang tayo mamaya sa isang fastfood para hindi ka magutom sa byahe tutal itong tinawag kong sasakyan ay diretso naman na pa-Karmona. Saka, subukan mo rin matulog at iyang itsura mo ay naku, para kang zombie! ang laki ng mga eyebags mo! ano ba kasi ang ginawa mo pa, ha?" Bumaling siya sa akin na biglang ikinaiwas ko at kinatingin na lang sa labas n

