"We were waiting, Cena. Anong kay tagal naman ng pagpapadala mo ng mensahe? kahit si Henrietta ay kinukulit ako dahil nga hindi ka naman sumasagot and when we tried to call you, your phone was out of reach." Kabubukas ko lang ng laptop ko nang makita na tumatawag si Arazella. At ito ngang mga salitang ito ang narinig ko mula sa kaniya. Hindi na kasi ako nakapag message sa kanila kahit nang pauwi na kami ni Altheo, at nang makauwi naman, when I was about to go to my room, it took me longer because I watched my man preparing our food tonight. Kahit nga ngayon, ang nais ko ay bumaba at panoorin siya pero ito at kailangan kong makausap muna si Ara at um-attend ng meeting. "I'm sorry, Ara. Nakauwi na ako. Ikaw? si Henri?" Dito ako pumwesto sa may malapit sa balcony. Malayo sa pinto, pero ka

