"What are you hiding?" Iyon kaagad ang salubong sa akin ni Arazella pagkapasok ko pa lang sa restaurant kung saan kami magla-lunch. Naniningkit ang mga mata niya habang sinusundan ako ng tingin. She's with Henri already, iyon ang nasa mensahe niya kanina pero umalis lang ang manager namin para kuhanin iyong naiwan nitong documents na kakailanganin para sa photoshoot ni Ara sa Singapore sa susunod na linggo. "Ano naman ang itatago ko sa iyo?" Hindi ko pa maaaring sabihin ang tungkol kay Altheo. Dalawang araw na ang nakalipas. He's still in my house, we live together and he told me na sabay kaming uuwi ng Pilipinas. "You are lying! after our call that day when you said you're sick, you became different and you are... you are..." hindi niya maituloy-tuloy ang nais sabihin habang nakat

