Sa lahat ng tao na maaaring makaalam na nagkabalikan na kami ni Altheo, hindi ang Kuya Sancho ang pumasok sa isipan ko na magsasabi sa akin ng mga salita na ito. A-Akala ko ba ay kakampi ko siya? noong nasa Germany ako ay siya pa itong ilang beses sinabi sa akin na naghihintay lang si Altheo na umuwi ako upang makausap. Siya na alam kong susuportahan kami. Oo at naisip ko na maaari siyang magtampo dahil sa paglilihim ko pero hindi naman... h-hindi naman darating sa ganitong punto na gusto niyang maghiwalay kami ni Altheo. "Alam kong matigas ang ulo ng kaibigan ko at maraming kayang gawin kaya ikaw ang kinausap ko. Alam ko rin na nasa iyo ang salita kung magpapatuloy pa ba at titigil si Altheo." This is absurd. Kung kailan nalaman niya na ayos na kami ay saka niya gustong putulin ko a

